Babaeng "nilambing" lamang ng alagang aso, na-coma at naputulan pa ng kamay at binti

Babaeng "nilambing" lamang ng alagang aso, na-coma at naputulan pa ng kamay at binti

- Nauwi sa pagkaputol ng kamay at paa ng amo ang pakikipaglaro niya sa kanyang aso

- Sinasabing nakuha niya ang isang uri ng bacteria na mula pala sa laway ng kanyang alaga

- Na-coma pa siya bago tuluyang putulin ang kanyang mga kamay at binti dahil kumalat na ang bacteria sa buong katawan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking gulat ni Marie Trainer ng US state of Ohio nang bigla na lamang sumakit ang mga kamay at paa niya matapos lamang kalaruin ang kanyang alagang aso.

Ayon sa Yahoo news, matapos makaramdam ng matinding pananakit ng kamay at paa, nawalan na ng malay si Marie.

Agad siyang nadala sa ospital at dalawang araw pa mula noon ay comatose na siya.

Hindi pa malaman nang mga panahong iyon kung saan nanggaling ang virus na sinasabing mabilis na kumalat sa buong katawan niya.

Dahil dito, walang nakikitang ibang paraan kundi ang putulin ang kamay at paa upang di na maapektuhan pa ang ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kwento naman mismo ni Marie sa panayam sa kanya ng Fox 8, sampung araw siyang walang malay at ang masaklap pa nito ay nang magising siyang wala na siyang mga kamay at paa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Nabigyang linaw naman ng doktor na si Dr. Margaret Kobe kung ano ang dahilan ng pangyayaring ito kay Marie.

Ayon sa doktor, capnocytophaga ang tawag sa bacteria na naisalin kay Marie. Ang bacteria na ito ay namamahay sa bibig ng aso at pusa.

Kaya naman kumbinsido ang asawa ni Marie na isa sa mga aso nila ang nagbigay ng bacteria na ito sa kanyang misis nang di nila inaasahan.

Maari raw kasing masalin ito sa sugat o kalmot na malalawayan ng aso.

Sa kabila ng mga nangyari na ito, wala pa rin daw balak ipamigay nina Marie ang kanilang mga alagang aso.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel