"Hindi ko naman purpose na magpasikat," pahayag ng driver ng nag-viral na jeep

"Hindi ko naman purpose na magpasikat," pahayag ng driver ng nag-viral na jeep

- Wala daw intensyong magpasikat ang driver ng viral jeep na sinagasa ang hanggang bewang na baha kamakailan

- Sa isang panayam, ipinaliwanag ng driver ang kanyang naging sitwasyon nang mga oras na iyon

- Nagbigay naman ito ng advice sa mga katulad niyang may-ari ng jeep

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang intensyong magpasikat, ito ang naging reaksyon ng driver ng nag-viral na jeep kamakailan na sinagasa ang hanggang bewang baha sa Valenzuela.

Sa isang article ng Top Gear Philippines sa panulat ni Drei Laurel, na-track ng Jeep Philippines ang may-ari at driver ng naturang jeep.

Ayon sa driver na piniling itago ang kanyang pangalan, pauwi na ito nang madaanan ang kalye kung saan mataas na ang baha.

30 minuto na rin daw siyang stranded dahil sa baha nang mapansin niya ang ilang sasakyan na sinubukang makaalpas mula rito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

“May mga sasakyan sa unahan ko pero umatras sila at umalis sa pila. Hanggang napunta ako sa harapan,” anito.

“I thought, ang lakas ng ulan, so hindi ko muna tinuloy (na makatawid sa baha). Mga 30 minutes kami na-stuck sa traffic.” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Nung tumigil yung ulan, nakita ko yung mga bike dumadaan, parang nasa gulong lang ng mga bike ang taas ng tubig. Then ayun, dineretso ko na,” sabi pa nito.

Nagulat rin daw siya sa mga reaksyon ng mga tao nang makalagpas siya sa baha dahil nais lang naman daw niyang makauwi na.

“Hindi ko naman purpose na magpasikat or what. Gusto ko lang talagang umuwi at ayaw kong ma-stranded,” anito.

May advice naman ito sa mga katulad niyang may-ari ng Wrangler jeep.

“Advice ko talaga for Jeep owners is that ingatan nila ang sasakyan nila. Do regular checkups and maintenance,” anito.

"diko alam bat feeling ng iba pasikat haha.. kung sya may dahilan ng baha para lang daanan nya yun ang pasikat hahaha kaya lang haha baha naman lagi sa pinas haha swerte nya lang kasi may ganyan syang wheels."

"kaya bet ko talaga yung ganitong sasakyan."

"Galing kinontact siya ng Jeep Philippines."

"Ang pogi na pwede pang ipanglusong sa baha."

"kaya eto dream car ko eh.. kaya ang baha hehe."

"Sa susunod ganito na talaga ang mga sasakyanan dahil sa bahaing kalsada."

"Ang ganda worth it ung price pg bumili k pang malakasan ung jeep... Nice one sir."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Can You Recognize Aged Filipino Celebrities? FaceApp aging filter is taking over the Internet. HumanMeter has decided to age our favorite Filipino celebrities and asked people if they can recognize them – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens claim Gerald Anderson's mom 'confirmed' rumors about her son & Julia Barretto

Netizens claim Gerald Anderson's mom 'confirmed' rumors about her son & Julia Barretto

Netizens claim Gerald Anderson's mom 'confirmed' rumors about her son and Julia Barretto
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel