'Greatest gold-digger,' hinuthutan ng bahay, alahas, 22 sasakyan ang tomboy na Hapon

'Greatest gold-digger,' hinuthutan ng bahay, alahas, 22 sasakyan ang tomboy na Hapon

- Dumulog ang isang Hapon sa Raffy Tulfo in Action at humingi ng tulong

- Hinuthutan siya ng bahay, pera, alahas at 22 sasakyan ng isang entertainer

- Nais bawiin ng Hapon ang naibigay na mga ari-arian sa babae ngunit sinabi ni ate na wala siyang maibibigay sa Hapon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog si Hiroko Koike, isang tomboy na Hapon, sa Raffy Tulfo in Action, at humingi ng tulong upang mabawi ang mga naibigay kay Aina Cañete Tamayo.

Nalaman ng KAMI na isang entertainer si Aina at magkasama silang umuwi ng Pilipinas ni Hiroko.

Ayon kay Hiroko, nagbigay siya ng P350,000 para sa bahay ni Aina, nagpapadala ng 50,000yen kada buwan, nagbigay ng 22 sasakyan, may BMW pa, at pati na mga alahas, pero pinagpalit lamang siya nito sa isang lalake.

Nang mabuntis si Aina, sinabi pa niya kay Hiroko na injectables daw iyon galing U.S.

Ang mga alahas na 18-carat ay sinanla ni Aina at wala na rin siyang maibalik na alahas.

Sabi ni Hiroko, kahit 50% lang muna ang ma-isauli ni Aina pero sinabihan ni Aina si Hiroko na wala raw talaga siyang maibibigay.

Niloko daw siya ni Hiroko, kung kaya siya'y nanlalake rin.

Pero sobrang bilis magalit ni Aina, pati mga interpreter ni Hiroko ay napagdidiskitahan niya. Panoorin ang maiinit na tagpo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel