Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

Brazilian model, gumastos ng manumbas ₱97 million sa kanyang dream wedding

- Umabot sa 97 million pesos ang nagastos ng Brazilian model na si Janaina Cardoso sa kasal nila ng Pakistani na si Imran Hussain nitong nakaraang linggo

- Bonggang-bongga ang kinalabasan ng kasalan na nagmistulang paraiso sa ganda ang venue ng kasalan

- Pawang mga kilalang designers ang gumawa ng mga damit, sapatos at maging ang alahas ng bride at groom gayundin ang mga dekorasyon sa kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakalula ang halaga ng dream wedding ng Brazilian model na si Janaina Cardoso.

₱97 million daw ang halaga ng ginastos nila sa pakikipag-isang dibdib niya sa Pakistani na si Imran Hussain.

Ang kanilang official photographer na Event Chic Designs ay nagbahagi ng mga detalye ng marangyang kasalan na ito.

Tila naging paraiso raw sa ganda ang Burj Al Arab kung saan ginanap ang milyon-milyong halaga na kasalang ito.

Nababalot ang lugar ng mga puting rosas at iba pang uri ng mamahaling mga bulaklak mula kay David Austen na mula pa sa talaga sa Holland.

Puting upuan na disenyo ni Dior ang ginamit upang tumugma sa aura ng lugar maging ng wedding gown ng bride.

Masasabing dream wedding talaga ito dahil bukod sa laki ng ginastos ay talaga namang nakita ang ganda at kamangha-manghang dekorasyon sa kasalang ito.

Di tuloy maiwasang makaramdam ng inggit ang ilang netizens dahil sa magarbong selebrasyon na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"This is unbelievable! the bride is so stunning!"
"Well if it's worth it, why not? this is sa dream wedding came to reality"
"She's pretty, she has money, what more could she ask for? Lucky girl"
"The flower details around is so stunning, all I can say is "wow!""
"She must be very happy, dream wedding for me!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank: Free Money! Catch It, If You Can | HumanMeter

Money is such a crazy thing: here today, gone tomorrow! Right?

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel