Netizen, ibinahagi ang naging sakit ng anak dahil sa labis na paggamit ng gadget

Netizen, ibinahagi ang naging sakit ng anak dahil sa labis na paggamit ng gadget

-Dahil sa labis na paggamit ng gadget, dumanas ng focal seizure ang anim na taong gulang na bata

-Ito ay ibinahagi mismo ng kanyang ama sa social media

-Bagamat, hindi pa tuluyang gumagaling ang bata ay mas bumuti na raw ang kalagayan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ng netizen na si Edgar Lising mula sa Gapan, Nueva Ecija, ang naging karamdaman ng 6-anyos nitong anak.

Ayon kay Gary, dumaranas ang kanyang anak na si Nathan ng focal seizures dahil sa labis na paggamit ng mga gadgets.

Sa mga videos na ibinahagi ni Gary, makikita ang hindi normal na paggalaw ng ilang bahagi ng kanyang mukha.

Hindi nito makontrol ang paggalaw ng mga eyelids nito at ang mga mata nito ay kusa ring gumagalaw.

Maging ang ilang bahagi ng mukha nito tulad ng bibig ay hindi na rin nito makontrol sa paggalaw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa report ng Buzz Flare, kung saan naitampok rin ang istorya ng bata, isinugod sa ospital ang bata dahil dito.

Isang araw itong nanatili doon para sa mga laboratory test. Ngunit lumabas sa mga ito na normal lamang ang lahat dito at na-discharge din kinabukasan.

Pero dahil sa labis na pag-aalala ni Gary para sa anak dahil sa patuloy na paggalaw ng ilang bahagi ng mukha nito, isinangguni niya ito sa Saint Luke's hospital upang matignang mabuti ang kalagayan nito.

Ayon sa report, bagamat hindi pa tuluyang gumagaling si Nathan ay mas maayos na ang lagay nito ngayon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Are You Smarter Than The 3rd Grader? Asking adults questions from the school program. Let us see if you can answer them all. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda, sumigaw at napasugod sa stage dahil sa takot

Vice Ganda, sumigaw at napasugod sa stage dahil sa takot

Vice Ganda, sumigaw at napasugod sa stage dahil sa sobrang takot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel