Isang lalake, sinubukan patunayan na di siya tinatablan ng bala dahil sa anting-anting

Isang lalake, sinubukan patunayan na di siya tinatablan ng bala dahil sa anting-anting

- Isang lalake ang nag-amok sa Ilog, Negros Occidental

- Binaril siya nang harap-harapan ng mga sundalong rumesponde pero hindi siya tinablan

- Nang matanggal ang habak sa beywang niya, dito na nanghina ang lalake at sinabi niyang wala siyang maalala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalake ang nag-amok sa Negros Occidental at pinagtataga ang asawa, kamag-anak at kung sino pa ang madaanan niya.

Nalaman ng KAMI nay may suot na pulang tela o tinatawag nilang "habak" o "agimat" angl lalake.

Sa kuwento ng mga residente sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nakita nila kung paano binaril ng isang kagawad at ng mga rumespondeng sundalo ang lalake na si Pepe (di-tunay na pangalan).

Pero bagamat ilang bala ang pinaputok nila, hindi tinablan si Pepe.

Natumba lamang siya nang pukpukin siya ng bato sa ulo ng isa sa mga naging biktima din niya ng pagtaga.

Dito na binaril ang kanyang braso at tinanggal ang habak sa beywang niya, saka siya nakitang nanghina.

Nang tanungin siya ng mga tao kung naalala niyang pinatay niya ang asawa, wala raw siyang maalala, lalo na't mahal daw niya ito.

Parang kulto daw sina Pepe at may "quota" na dapat daw ay makapatay sila ng pitong tao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taliwas naman ang kuwento naman ng isang kasama ni Pepe dahil sinabi raw ni Pepe sa kanya na sinabihan daw nito ang asawa niyang "masarap itong patayin."

Sabi nga ng isang residente, maaaring may mga hindi maniniwala pero saksi siya sa buong pangyayari.

Totoo man o hindi na ang habak ang naging anting-anting ni Pepe hindi siya tablan ng bala, mananatiling isang misteryo kung bakit buhay siya sa kabila ng pagbabaril sa kanya nang harap-harapan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Exclusive Interview: Madam Kilay's New Afam | HumanMeter Watch it here

Source: Kami.com.ph

Related news
Titser na may alagang ahas, pinahanga ang mga netizens sa ganda niya

Titser na may alagang ahas, pinahanga ang mga netizens sa ganda niya

Kinder titser na may alagang ahas, pinagpipiyestahan ang ganda sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel