Misis, humagulgol sa iyak sa paghingi ng last chance kay mister

Misis, humagulgol sa iyak sa paghingi ng last chance kay mister

- Isang factory worker sa South Korea ang hindi napigilan maging emosyonal sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action'

- Ito ay matapos niyang ireklamo ang kanyang misis na ilang beses na raw siyang pinagtaksilan

- Maraming netizens ang nagpahayag ng saloobin sa kanilang kuwento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng 'Raffy Tulfo in Action' ang OFW na si Erwin Saludes, isang factory worker sa South Korea.

Nalaman ng KAMI na inireklamo niya ang kanyang misis na si Jessica Saludes dahil ilang beses na raw itong nanlalalaki.

Dalawa ang kanilang anak at gusto ni Erwin makuha ang mga bata sa kanyang misis.

Ayon pa kay mister, pinapabayaan ni misis ang mga bata. Gigising daw ito ng tanghali, maliligo sa hapon at aalis. Uuwi raw ito ng bahay sa madaling araw.

"Kaya nga, nagmamakaawa ka saaken, eh ikaw ba naawa ka ba saaken noong mga panahong nasa South Korea ako?

"Nagtatrabaho ako doon, tapos sabik na sabik kitang makita araw-araw tapos ikaw nagpapakasaya ka lang sa mga lalaki mo," sambit ni Erwin kay Jessica.

Sobrang hinanakit din ni Erwin matapos niyang matuklasan na gusto pang magkaanak ni Jessica sa ibang lalaki.

Pero mariin itong itinatanggi ni misis at para sa kanya ay masyado ng matigas ang puso ni Erwin na hindi na kaya magpatawad para mabuong muli ang kanilang pamilya.

Narito ang mga naging komento ng netizens matapos nilang panoorin ang video.

"i salute you..sir,it takes courage for a man to do that..but the wife deserves to be in prison."
"Congrats kuya mabuhay ka.. itayo mo bandera ng mga lalaking mtitino"
"Answerte swerte mo na sa lalaki.. pero nagawa mo padn lokohin. Dapat ipakulong tong mga ganito!"
"nag mamakaawa dami na pala naging lalake tapos nanlalake ulit then humihingi ng 2nd chance? second chance pa ba yon...totoo nga once a cheater always a cheater"
"karma mo yan girl, kapal ng muka mo, hindi mo alam ang hirap ng OFW, tapos ngayon nakikiusap ka nde mo naisip yan bago mo ginawa yan, pinakawawa talaga ang mga bata sa huli"
"Tama k kuya bilib aq sau maipakulong mo asawa mo Buti nlang hindi tumutol c sir idol n ipakulong mo c misis"
"D biro mangibang bansa pra lng kumita at mabuhay ang pmilyang naiwan sa pinas...tpos mllman mo nagpakasaya asawa mo sa ibang lalake... push mo yn kuya...i feel u! Buhay ang ibinuwis nting mga ofw,..."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang Pinay domestic helper ang dinalaw sa Pinas ng dati niyang alaga sa Hong Kong matapos nitong malaman na mayroon siyang malubhang karamdaman.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

In this video, our team interviewed internet sensation Madam Kilay as she shares the details of her breakup with Afam! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain niya kay baby Ziggy

Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain niya kay baby Ziggy

Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain kay baby Ziggy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel