Malditang anak na nanampal ng tsinelas sa nanay dahil sa pagkain, pinoprotesta ng netizens sa employer

Malditang anak na nanampal ng tsinelas sa nanay dahil sa pagkain, pinoprotesta ng netizens sa employer

- Umani ng pambabatikos ang dalawang babaeng nagalit sa kanilang ina

- Lalong ikinagalit ng mga netizens ang ginawang pagsampal diumano ng isa sa kanila sa kanilang ina gamit ang tsinelas

- Hindi na napigilan ng karamihan sa mga netizens kundi magpadala ng mensahe sa nabanggit na kumpanya na pinagtatrabahuhan ng babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nanggalaiti sa ginawa ng dalawang magkapatid sa kanilang ina. Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang matandang babae upang humingi ng tulong upang magkaayos sila ng anak niya.

Ibinunyag ni Maria Magdalena Austria, 62 taong gulang na nagawa siyang sampalin ng tsinelas ng kanyang sariling anak dahil lamang sa pagkain.

Kasalukuyang nakatira ang magkapatid sa bahay ng pagmamay-ari ng matanda pero sila pa umano ang malakas ang loob at nag hahari-harian sa bahay ng kanilang ina.

Dagdag pa ni lola, ang kanyang bunsong anak na si Kren Austria na siyangsumampal sa kanya ng tsinelas ay nagtatrabaho sa isang cruise ship. Malaki ang kinikita nito pero hindi man lamang makapagbigay sa kanya simula nang magkasamaan sila ng loob gayung nakikitira pa rin sila sa bahay ng kanilang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kahit si Raffy Tulfo ay halatang nairita sa ginawa ng magkapatid at nais niyang mapalayas na ang mga ito sa bahay ng matanda.

Gayunpaman, nanaig ang pusong ina ng ginang at sinabing susubukan muna kung maaayos ang kanilang di pagkakaunawaan.

Kahit ang mga manonood at netizens ay hindi napigilan ang kanilang bugso ng damdamin. May mga nagpadala ng mensahe sa nabanggit na kumpanaya kung saan natatrabaho si Kren.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Blackpink: Kill This Love Dance Prank | HumanMeter

Check out the public prank video filmed in the Philippines. Watch us do the Blackpink's Kill This Love Dance Prank in public. Some people laugh, some are shocked, others just don't care at all. Enjoy!

Source: Kami.com.ph

Related news
Labi ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Labi ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel