Idol Raffy, umalma sa mga sagot ng aroganteng MSWD na gustong manatili ang 2-anyos sa tatay na akma siyang bibigtiin
- Isang nanay ang nanawagan sa Facebook na tulungan ang kanyang 2-anyos na anak na pinapahirapan daw ng ama
- Nakarating ito kay Idol Raffy at inaksyunan niya ngunit hindi niya nagustuhan ang naging mga pahayag ng MSWD Chief ng Dulag Leyte na sis Mildred Matol
- Sabi ni Idol Raffy, wala nga siyang lisensiya bilang social worker pero ang ginagamit niya sa sitwasyon ng bata ay ang common sense
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inaksyunan kaagad ni Idol Raffy ang panawagan ng isang inang OFW para sa kanyang 2-anyos na anak na pinapahirapan daw ng ama sa tuwing wala siya maibibigay na pera.
Sa isang ulat ng KAMI, nailathala ang naging pahayag ng MSWD na sinasabing "safe" ang bata sa piling ng ama batay sa aktwal nilang nakita.
Maganda naman daw ang relasyon ng bata sa ama at wala silang nakitang signs na kailangang pagbukurin ang mag-ama.
Dito na hindi nagustuhan ni Idol ang mga kasagutan ng MSWD Chief na si Mildred Matol.
Sabi ni Idol kay Matol, hindi ba raw nila naisip na hindi stable ang pag-iisip ng tatay at anytime ay baka totohaning ibigti ang bata dahil di maibigay ng ina ang hinihiling nito.
May mga cases kasi sabi ni Idol na nagpapakamatay ang magulang at isinasama ang anak.
Iginiit naman ni Matol na tingnan daw ang buong story ng tatay, pero sabi ni Idol tingnan po yung picture because a picture speaks a thousand words.
Delikado raw kasi halimbawa sa isang iglap matumba, eh mamamatay yung bata. Sabi pa ng MSWD na mesa daw yung tinatayuan ng bata, pero ipinamukha sa kanya ni Idol na stool iyon.
Pero sa kabila nito hindi pa rin natinag si Matol at iginigiit ang "aktwal" na observation nila.
PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding
"Based sa professional judgment ko ngayon, yung father ay stable," saad ni Matol.
"Madam, I'm sorry, wala ho akong lisensya ng mga sinasabi niyo, but I'm just using common sense," sagot naman ni Idol.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Umabot na rin sa punto na tinanong ni Idol si Matol kung licensed psychiatrist siya at sinabi ni Matol na licensed social worker daw siya.
"Ms. Mildred, inaakma-akmang sasaksakin yung bata, at sinasabihang patay ka ngayon, yung bata umiilag..."
"So mam yung gusto niyo ay may picture din na inaakmang sasaksakin yung bata, yung may picture ding ganun... Ikaw ba man, 24 hours kasama nitong pamilya?"
Tumaas na talaga ang boses ni Idol Raffy kasi talagang di gumigive-in ang MSWD at pilosopo pa ito sumagot.
"Alam mo mam, pilosopo ka eh, ako mam I'm just using my common sense!"
Sa huli, kinausap na lang ni Idol si Col. Emma Libunao, Family Juvenile Gender and Development Division Crime, para matulungan ang bata.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bea Alonzo recounts her most embarrassing moment on set and it's utterly hilarious! Watch it on Human Meter
Source: KAMI.com.gh