Teacher, inakusahan ng panlalasing at panghahalay sa menor de edad na student

Teacher, inakusahan ng panlalasing at panghahalay sa menor de edad na student

- Nagpunta kay Raffy Tulfo ang isang menor de edad na estudyante upang ireklamo ang kanyang guro na si Westley Cleofas

- Ayon sa estudyante, nilasing at hinalay daw siya tatlong beses ng titser

- Tinatakot daw siya ng guro na ibabagsak siya nito at sasaktan pa kung hindi ito papayag na makipag-inuman sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang isang 17-anyos na babaeng estudyante sa Tondo High School ay nagpunta kay Raffy Tulfo upang ireklamo ang kanyang guro.

Nalaman ng KAMI na inakusahan ng estudyante ang guro niyang si Westley Cleofas nang panlalasing at panghahalay sa kanya.

Ayon sa menor de edad, tatlong beses daw itong ginawa sa kanya ng titser – isang beses noong Oktubre at dalawang beses noong Enero.

Sinabi rin ng mga kaklase ng bata na dinadala raw talaga sila ni Cleofas sa beerhouse para lasingin. Pagkatapos noon ay dadalhin na ang biktima sa isang motel upang halayin.

Base sa kanilang akusasyon, pumapayag daw silang dalhin ng guro sa beerhouse dahil tinatakot sila nito na ibabagsak sa klase at sasaktan pa diumano.

Iyak ng iyak ang tatay ng estudyante habang nagbibigay ng mensahe sa suspek:

“Anong klaseng teacher ka?! Dinadala mo sila sa beerhouse, pinapainom mo yung mga bata! Tapos dadalhin mo sa motel! May mga pangarap yung anak ko, tapos sisirain mo lang,” sinabi ng ama ng bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Netizens were outraged after watching the episode:

“Grabe naiiyak ako sa pag iyak nung ama, damang dama ko ung paghihirap ng magulang nung dalagita”

“mahirap talaga kapag Ang titser mapagsamantala, buti nalang nagreklamo.”

“Ipakulong nyo po yan para magtanda ang mga katulad nyang titser”

“You are a teacher you are supposed to guide your students to have a bright future”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Now imagine: you are a young aspiring actress and you are going to appear on a great show and then you tell all of your friends and relatives about it. They gather in the specified time in front of the TV but then... The Incredible Bea Alonzo shares embarrassing moments she experienced throughout her career. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel