Sanggol na napatay ng baby sitter habang pinapatulog, sapul sa CCTV

Sanggol na napatay ng baby sitter habang pinapatulog, sapul sa CCTV

-Hindi nakaligtas ang isang sanggol mula sa isang insidenteng tumapos sa kanyang batang buhay

-Ang biktima, napatay ng isang baby sitter habang nasa isang child care centre sa Taiwan

-Ang pangyayari, inimbestigahan na sa tulong ng kuha ng isang CCTV sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sapul sa CCTV ang pagdagan at pagyapos ng isang baby sitter sa isang sanggol na isa sa mga inaalagaan nito.

Ang insidente, ikinasawi ng kawawang biktima at tumapos sa maiksing buhay nito.

Kasalukuyan itong iniimbestigahan ngayon ng mga pulis ayon sa Taiwan News.

Ayon sa report, bandang 10:00 ng umaga nang pakainin ang biktima ng almusal at pagkatapos ay pinatulog na ito ng suspek.

Ngunit nang gigisingin na ito para sa meryenda bandang 2:00 ng hapon ay hindi na ito gumagalaw. Nadiskubre na lamang nila na nangingitim na ito.

Agad na tumawag ng nurse ang mga ito na siyang gumawa ng CPR. Isinugod naman agad ang sanggol sa ospital kung saan idineklara itong patay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang tignan ang CCTV, doon nakitang dinaganan ng suspek ang biktima upang pigilan itong gumalaw na umabot sa 19 minuto.

Ayon sa report, sa inilabas na video ng mga pulis nakitang nakayapos ang suspek sa bata habang ang ulo nito ay nakadikit na sa mat ng flooring at pilit na gumagalaw.

Mapapansin ring pilit na kumakawala ang biktima ngunit hindi ito binibitiwan sa mahigpit na pagkakayapos ng suspek hanggang sa tuluyan na itong 'di gumalaw.

Hindi na nito napansin pa ang kondisyon ng sanggol para asikasuhin ang iba pang bata sa child care.

Nagdesisyon ang ama ng biktima na isa-publiko ang kaso upang ipakita ang buong pangyayari na ikinamatay ng kanilang anak.

Dinala ang biktima sa prosecutor's office ngunit nakalabas rin dahil sa piyansa. Ayon sa balita, humingi na ng tawad ang suspek sa pamilya ngunit hustisya ang hangad ng mga ito.

Hindi pa lumalabas ang resulta ng autopsy na isinagawa sa sanggol upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng bata.

Sanggol na napatay ng baby sitter habang pinapatulog, sapul sa CCTV

Photo source: Taiwan News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel