Babaeng nasunog ng buhay sa 1 aksidente, may mga premonisyon bago ito maganap

Babaeng nasunog ng buhay sa 1 aksidente, may mga premonisyon bago ito maganap

-Bata at puno pa ng pangarap ang single mom na si Jerlyn ngunit hinadlangan agad ito ng isang malagim na aksidente

-Dahil dito, nag-iba ang kanyang itsura at naputol pa ang kanyang kaliwang braso

-Ngunit ayon dito, bago ang aksidente may mga premonisyon pang nagbabala sa kanya at sa ilang kakilala niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasangkot sa isang malagim na aksidente ang single mom na si Jerlyn Dana matapos sumalpok ang sinasakyan niyang tricycle sa isang truck.

Natapon sa kanya ang gasolina kaya naman nasunog ng buhay si Jerlyn at nagtamo ng grabeng sunog sa katawan at mukha.

Ang dating puno ng buhay at siglang si Jerlyn, napalitan ng anyong malayong-malayo sa dati nitong magandang mukha.

Naitampok ang kanyang istorya kamakailan sa sikat na programang Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA Network.

Ngunit bago pala ang aksidente, may premonisyon na siyang nakita mula sa isang panaginip.

Aniya, napanaginipan niya ang isang aksidente at nakita raw niya na nag-iba ang kanyang itsura.

Tumawag pa raw siya sa kanyang nobyo para itanong kung mamahalin pa ba siya nito kung siya ay pumangit na.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, ang kanyang bestfriend naman nakakita rin ng kakaiba kay Jerlyn. Anito, tila nagliliwanag ito sa kanyang paningin.

Sinabi pa raw nito na idikit ang larawan nito sa dingding ng kwarto niya para kapag ito ay namatay ay may remembrance pa raw siya rito.

Maging ang isang guro ni Jerlyn sinabing nakita niyang walang ulo ang dalaga ilang oras bago ang aksidente.

Noon namang pasakay na ng tricycle ang dalaga, sinabi raw ng isang driver na dapat ay pinapayungan ito.

Sabi raw ng isang nilang kaklaseng muslim, pangit na biro ito dahil para sa kanila ang mga pinapayungan lang ay ang mga ikinakasal o mga patay.

Kaya naman si Jerlyn, naniniwala na ngayon sa mga pangitain dahil mismong siya ay naramdaman ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Just ahead of Last Fool Show release, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

5 Pinoy celeb kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel