OFW, di kinaya katigasan ng ulo ng 16-anyos na anak na naglalayas at naging batang ina

OFW, di kinaya katigasan ng ulo ng 16-anyos na anak na naglalayas at naging batang ina

- Isang OFW ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action at nagpatulong na mapauwi ang anak na napariwara

- 16-anyos ang anak, panay layas, maagang nabuntis at iniwan din sa ina ang baby

- Kinukunsinte rin daw ng pamilya ng lalakeng nakabuntis sa anak niya na doon matulog sa kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog si Mary Anne Olarte sa Raffy Tulfo in Action upang magpatulong na mapauwi ang anak na panay layas.

Nalaman ng KAMI na OFW si Mary Anne, nagtrabaho sa ibang bansa para sa tatlo niyang anak pero si "Hetty," ang 16-anyos niyang anak, ang "bukod-tangi" na matigas ang ulo.

Ayon sa kuwento ni Mary Anne, iniwan pa raw ni Hetty ang baby niya sa kanyang ina.

Si Mary Anne ang nagpapagatas at nag-aalaga nang mag-isa kahit na hirap na hirap na ito.

Nang makausap ni Idol Raffy si Hetty, inilabas ng ina ang lahat ng sama ng loob niya sa anak.

"Ako na nagpapagatas sa anak mo, kahit na hirap na hirap ako, ako lang mag-isa."

Pinagsabihan niya rin ang anak na sa lahat ng magkakapatid, si Hetty lang ang naging pasaway.

"Sabi ko sa inyo mag-aral kayo nang mabuti, lahat gagawin ko para sa inyo! Ikaw lang bukod tangi Hetty."

PAY ATTENTION: 12 Times Meghan Markle Went Against Royal Rules

Sinabi ni Hetty na ayaw na niyang sumama sa ina, pero sagot ng nanay, eto daw ay dahil istrikto siya sa mga anak niya.

Si Hetty naman ay mas gusto dun sa pamilya ng lalake dahil umano kinukunsinte siya at di pinagbabawalan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi ni Mary Anne, nais na lamang niya na mapasailalim ang anak sa pangangalaga ng DSWD dahil pag nasa kanya raw ay maglalayas at maglalayas lang ito.

Itinakda na lamang ni Idol Raffy ang pagkikita ng mag-ina para makapag-usap nang personal. Nawa'y makapag-usap ang mag-ina sa mas lalong madaling panahon at magbago na rin nang tuluyan ang anak na pasaway.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bidyo ng gumuhong Chuzon Supermarket dahil sa lindol, pinakita na ng pulisya

Bidyo ng gumuhong Chuzon Supermarket dahil sa lindol, pinakita na ng pulisya

CCTV footage of collapsed Chuzon Supermarket gets released by police
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel