CP ng ex-BF ni Christine Silawan, puno ng malalaswang video

CP ng ex-BF ni Christine Silawan, puno ng malalaswang video

-Nakuha mula sa dating nobyo ni Christine Lee Silawan at ngayo'y suspek sa brutal na pagkamatay ng dalaga ang cellphone nito, na isa sa mga ebidensiya laban dito

-Ayon sa latest na report, puno ng mga malalaswang videos at larawan ang nasabing cellphone ng 17-anyos na suspek

-Dati nang sinabi ng NBI na nakuha nila ang cellphone ng suspek ngunit ito ay sira na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Puno ng mga malalaswang video at larawan ang cellphone ng 17-anyos na suspek at dating nobyo ng napaslang na si Christine Lee Silawan.

Ayon sa report ng Cebu Daily News, ito ang nadiskubre ng Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation sa Central Visayas (NBI -7).

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

Una nang sinabi ng mga awtoridad na isa ang cellphone sa mga nakuhang ebidensiya laban sa binata na ginamit sa kaso.

Ngunit ayon din sa mga ito, sira na ang cellphone nang makuha mula sa binata noong naaresto ito.

Samantala, isasalang naman sa DNA examination ang mga damit ng binata na ginamit umano nito sa krimen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi ng NBI-7, ito ay para mas mapagtibay pa ang kasong pagpatay na isinampa nila sa suspek.

Una nang naibalita ng KAMI ang brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan na natagpuang patay noong Marso 11, 2019 ng umaga sa isang bakanteng lote sa Lapu-lapu City.

Binalatan ang mukha nito, sanhi para makita ang bungo nito at may mga parte ng katawan na nawala mula rito.

Selos ang sinabi umanong dahilan ng suspek kaya nagawa ang krimen ayon pa rin sa mga awtoridad.

CP ng ex-BF ni Christine Silawan, puno ng malalaswang video

Photo source: Facebook
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
JaDine fans gush over how James avoids giving Nadine ‘any reason to feel jealous’

JaDine fans gush over how James avoids giving Nadine ‘any reason to feel jealous’

JaDine fans gush over how James avoids giving Nadine ‘any reason to feel jealous’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel