Kasambahay, binatuta at pinakain ng sariling suka ng mga amo niya sa Singapore

Kasambahay, binatuta at pinakain ng sariling suka ng mga amo niya sa Singapore

- Sobrang pagmamaltrato ang dinanas ng isang kasambahay sa mga amo niya sa Singapore

- Pinasuot siya ng bra at shorts lamang habang walang pakundangang binatuta ng amo

- Pinapakain lamang siya ng kanin at asukal at nang isinuka niya ito ay pinakain sa kanya ang sariling suka

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sobrang pagmamalupit ang dinanas ng isang kasambahay sa kanyang among mag-asawa sa Singapore.

Nalaman ng KAMI na binabatuta, sinisipa at ginugutom ang nasabing kasambahay ng mga amo.

Ayon sa report ng Kwentong OFW, may pagkakataon pang ang sariling suka mismo ng kasambahay ang pinakain muli sa kanya. Isinuka kasi ng kasambahay ang kanin at asukal na pilit ipinasok sa lalamunan niya sa pamamagitan ng isang funnel.

Ito ang iba't-ibang abuso na dinanas ng 32-anyos na Myanmar national na si Moe Moe Than sa mag-asawang Singaporean na sina Chian Yun Liang at Tay Wee Kiat.

Hindi rin siya makagamit ng banyo kung kailangan dahil ito'y nilimitahan sa tatlong beses lamang isang araw. Nilagyan ng mag-asawa ng CCTV para masiguradong tatlong beses lamang siya gagamit ng banyo.

Nang makagamit siya nang pang-apat na beses, pinatalon siya na parang kuneho.

Nawakasan ang paghihirap niya nang magsumbong siya sa kanyang agency.

PAY ATTENTION: The 25 Wealthiest Families In The United States Revealed

Inaresto ang mag-asawa at nilitis ang kaso sa korte. Batay sa ebidensiya, sinentensiyahan ng pagkabilanggo ni District Judge Olivia Low ang mag-asawa noong March 4, 2019. Nagbayad din sila ng danyos kay Moe Moe.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pangalawang kasambahay na si Moe Moe na inabuso ng mag-asawa. Nakita ni Judge Low na walang pagsisisi ang dalawa.

Nawa'y magsilbi na rin itong babala sa lahat ng OFW para maging maingat pag nasa labas ng bansa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Want to know the "Firsts" of LizQuen. Liza and Enrique play the "Firsts" game. Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Related news
Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman

Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang ginawa

Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel