Lalaking nabasted, sinaksak ng 24 beses ang babaeng sinusuyo

Lalaking nabasted, sinaksak ng 24 beses ang babaeng sinusuyo

-Hindi inakala ng babaeng si Reyna na magagawa niyang makaligtas mula sa 24 saksak ng ice pick sa kanya

-Ang suspek, ang kanilang kapitbahay na nagkaroon pala ng pagtatangi sa kanya

-Ngunit dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad at dala na rin ng pagkabigo mula sa unang minahal, hindi niya ito nasuklian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

24 beses na sinaksak ng suspek na si Ricky Millete, 39-anyos ang biktimang si Reyna matapos na hindi pumutok ang baril nito.

Ayon sa report ng programang SOCO, hindi natugunang pag-ibig ang dahilan ng galit ng suspek sa biktima.

Ngunit ayon naman kay Reyna, hindi niya kailanman binigyan ng kahulugan ang pagiging mabait sa kanya ng lalaking tatay ng kanyang kaibigan at kaklase.

PAY ATTENTION: 15 Traits That Meghan Markle Has In Common With Princess Diana

Inakala niyang mabait lamang ito sa kanya bilang kapitbahay.

Ngunit nag-iba na ang pakikitungo ng suspek simula nang magkaroon ng pormal na manliligaw ang dalaga na tinutukan rin ng baril ni Ricky.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mayo 12 ng taong 2018, naganap ang pang-ho-hostage at pananaksak kay Reyna sa kanilang barangay sa San Jose del Monte, Bulacan.

"Talagang wala na po kasi akong naramdaman. Tapos lumalabas na po 'yung dugo sa bunganga ko. Hindi ko na rin inisip na mabubuhay ako. Iniisip ko na lang talagang wala na, paano na 'yung anak ko," kwento ni Reyna.

Sa kabutihang palad ay walang tinamaang vital organs ni Reyna kaya ito ay kasalukuyang ligtas na.

Samantala, nakatakas man, pagkaraan ng anim na buwan ay naaresto si Ricky at ngayo'y nakapiit na sa Bulacan Provincial Jail.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec wants to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec wants to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel