Batugang lalake, pwersahang ginawang bayarang babae ang asawa para may pambili ng gatas sa baby

Batugang lalake, pwersahang ginawang bayarang babae ang asawa para may pambili ng gatas sa baby

- Isang asawa ang ginawang bayarang babae ng kanyang mister

- Ang anak nilang 6-taong gulang ay inabuso rin ng lalake

- Di lang yan, pati pamangkin ng babaeng 13-anyos ay ginahasa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nabigla at nasindak sa ginawa ng isang mister sa kanyang sariling asawa.

Nalaman ng KAMI na puwersahan niya itong ginawang bayarang babae, pati anak at pamangkin ng asawa niya ay kanyang inabuso.

Tinawag na "halimaw" ang 27-anyos na lalake pagkatapos naisapubliko ang kahayupang ginawa niya sa sariling pamilya.

Ayon sa The Asian Parent, ilang taong inaabuso na ng mister ang asawa at di siya nagsumbong sa pamilya o sa pulis sa takot na patayin siya.

Walang trabaho ang lalake at mas lumala ang sitwasyon ng babae noong 2015 nang tumigil na sa pagtatrabaho ang babae dahil buntis ito at ayaw maghanap ng trabaho ng lalake.

Noong June 2016, puwersahan niyang ginawang prosti ang kanyang asawa para may pambili sila ng diaper at gatas sa 3-buwang baby.

Sa loob ng tatlong buwan, simula June hanggang August, ang kawawang asawa ay nagkaroon ng 138 na customers at kumita siya ng mahigit-kumulang sa P400,000, lahat binigay niya sa "halimaw" na mister.

Batugang lalake, pwersahang ginawang bayarang babae ang asawa para may pambili ng gatas sa baby

Batugang lalake, pwersahang ginawang bayarang babae ang asawa para may pambili ng gatas sa baby (Photo: incirlik.af.mil)
Source: Facebook

Sa isang insidente, pagkatapos niyang makipagtalik sa asawa, puwersahan niyang inabuso ang 6-taong gulang na anak.

Pati pamangkin na 13-anyos ng babae ay ginahasa niya sa isang hotel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang ina na mismo ng lalake ang nagsumbong sa Singapore authorities nang maikuwento ng kanyang apo na may ginawang masama ang kanyang ama sa kanya.

Sinentensyahan siya ng 25 taon at 6 na buwang pagkakabilanggo. Hahampasin din siya ng "cane" ng 24 na beses bilang bahagi ng parusa.

Nawa'y hindi pamarisan ang ginawang kahayupan ng lalakeng ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Want to know the "Firsts" of LizQuen. Liza and Enrique play the "Firsts" game. Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-PH officials file in'tl court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file court case against Chinese Pres. Xi Jinping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel