Raffy Tulfo, napikon sa misis na nabuntis ng Kano! Kano, hinaharass pa si mister

Raffy Tulfo, napikon sa misis na nabuntis ng Kano! Kano, hinaharass pa si mister

-Tila hindi na nakapagpigil si idol Raffy sa ginang na inirereklamo ng isang complainant niya

-Si misis kasi nabuntis ng isang dayuhan at kasalukuyang nasa poder nito

-Ganunpaman, nais pa rin ng mister nito na makipagbalikan sa kanya sa kabila ng kataksilan nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagustuhan ni Raffy Tulfo ang mga naging sagot ng ginang na si "Jigs" ('di niya tunay na pangalan) sa kanya.

Ang babae kasi, nabuntis ng isang dayuhan na nakilala raw niya sa Facebook kahit pa nga mayroon na itong asawa.

Ang complainant sa programa ni Tulfo na itinago sa pangalang "Rico" ay nais pa ring mabawi ang asawa sa kabila ng kataksilan nito sa kanya.

Humingi na raw ng tawad si Jigs sa kanya at nagkasundo na sila ngunit bigla na lamang itong umalis at bumalik kay Kendal.

Ngunit reklamo pa nito, hina-harass pa raw siya ng dayuhan na kinilalang si Bryan Kendal na kasalukuyang wala sa bansa.

Dahil sa mga eskandalong kinasangkutan ng mga ito, dalawang beses na umanong nag-tangkang magpakamatay ang kanilang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ngayon ay nasa Pulilan sa Bulacan si Jigs. Nakatira ito sa bahay na inuupahan raw ng dayuhang naka-buntis sa kanya at kakapanganak lamang.

Nakiusap na si Rico sa asawa na bumalik na lamang ito sa kanya. Maging si idol Raffy ay kinumbinsi na rin ito ngunit tila ayaw na nitong bumalik pa.

Doon na tila napikon si Tulfo at nasabihang "bobo" ang ginang dahil mas kinatakutan pa umano nito ang dayuhan kaysa sa mister nito na maaari siyang ipakulong.

Samantala, nais ni Rico na hindi na makabalik pa sa bansa ang dayuhan dahil na rin sa eskandalo.

Ipinangako naman ni Tulfo na tutulong rito upang ma-aksyunan ang reklamo laban kay Kendal at para na rin masundo ang kanyang asawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel