Mister na may kalaguyo umano, inireklamo ni misis dahil kulang ang sustento

Mister na may kalaguyo umano, inireklamo ni misis dahil kulang ang sustento

-Hindi raw sapat ang sustento na ibinibigay sa kanila ng kanyang asawa ayon sa misis na isang complainant ng Wanted sa Radyo

-Bukod rito, iginiit nito na mayroon ng kalaguyo ang asawa at nagkaroon na ng anak ang mister dito

-Mariin naman itong itinanggi ng inirereklamong mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Galit na dumulog ang ginang na si Flordeliza Pastrana kasama ang isang anak nito sa programang Wanted sa Radyo upang ireklamo ang mister na si Richard Pastrana.

Reklamo ni Flordeliza, hindi sapat ang sustento na ibinibigay ng mister sa kanila dahil umano sa pangangalunya nito.

Giit ni misis, matagal na umano siyang niloloko ng asawa na kasalukuyang nag-ta-trabaho sa Mindoro.

Nagkaroon pa umano ito ng anak sa diumano'y babae nito na kinilalang si Trixie.

Sabi pa nito, ang lahat ng ito ay napatunayan niya dahil sa mga kamag-anak rin ng kanyang mister.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit mariin naman itong itinanggi ng inirereklamong lalaki. Bagamat sinabi nitong dati siyang nagkaroon ng relasyon sa sinasabing babae niya, hindi niya umano anak ang batang tinutukoy ng asawa.

Pinabulaanan rin ni Richard ang sinasabi ni misis na nagkukulang siya ng padala sa mga ito.

Sabi nito, regular siyang nagpapadala ng P2,500 hanggang P3,000 kada linggo sa pamilya niya.

Pero kumbinsido si Flordeliza na anak ng mister ang bata at sinabi nitong kulang talaga ang binibigay ni Richard.

Sinuportahan din ng kanilang 16-anyos na anak na si "Kristel" ang mga pahayag ng ina.

Nag-desisyon naman si Flordeliza na sampahan na ng kaso ang asawa at ang kabit umano nito bagamat ayon sa abogadomg host ng programa ay kailangan niyang siguruhin ang mga akusasyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel