Anak ng GRO na binubully noon, CEO na ngayon sa edad na 21
- Isang 21-anyos ang hinangaan ng marami dahil sa tagumpay na nakamtan niya
- Siya ang CEO ngayon ng Brilliant Skin Essentials
- Hirap siya sa buhay noon, binubully dahil anak daw ng GRO at kung anu-ano pa pero nagtagumpay siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Si Glenda Victorio ang masasabing isa na sa mga matatagumpay na babae sa Pilipinas ngayon.
Nalaman ng KAMI na sa napakabatang edad na 21, siya ang CEO/owner ng Brilliant Skin Essentials, isang kumpanya na gumagawa ng mga beauty products.
Solo niyang naitayo ang kumpanya at nagsimula siya sa panahong sarili niyang balat ang pinoproblema niya.
Ayon sa kuwento ni Glenda, siya'y laki sa hirap, binubully ng mga kaklase dahil anak daw siya ng GRO.
Sa kabila ng hirap na dinanas, hindi sumuko si Glenda.
Noong 2015, sa edad na 19-anyos at may malaking problema sa balat, gumawa si Glenda ng sariling sabon.
Eto ang nakapagpagaling sa kanyang dinadanas na acne.
Dahil siya na mismo ang makapagpatunay kung gaano ka-effective ang sabon, marami ang tumangkilik nito.
Ngayon, lumago nang lumago ang skin care line ni Glenda at kamakailan lang ay may malaking pa-event siya sa Araneta.
Tingnan ang buong kuwento niya.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Eto ang kuwento niya:
"Nangarap akong maging artista, nag-audition sa Pinoy Big Brother Abs-Cbn, walang parents, laki sa hirap, lumaking binubully dahil sa anak daw ako ng GRO. Pero patuloy na lumaban at nangarap.
Now, I'm 21, pero labis labis yung binigay ni Lord. Salamat Brilliant Skin Essentials sa lahat ng binibigay at pinaparanas mo sakin. Utang ko lahat sayo 'to Lord. ��
Presscon during our event, Brilliant Skin Essentials at the Big Dome. ✨
Thank you so much po Sir Mario Dumawal of Abs-Cbn News TV Patrol, Ma'am MJ Marfori of TV 5 at sa lahat po ng Press, hindi ko po alam kung sino-sino lahat yung anjan non. ❤️
Tag niyo po ako please kung may feature na lalabas po sakin, kung may newspaper po, pahingi din po ng copy.
To be honest, hindi ko po alam na may feature, and naka-line up napo yung mga incoming interviews ko. ��
At this point wala na akong mahihiling pa.
#TuloyAngPagkinangSa2019"
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky questions: testing boys and girls of the Philippines for knowing some historical information. Who is smarter: boys or girls? Find out in the video!
Source: KAMI.com.gh