'Search for the Star in a Million' runner-up Nikki Bacolod, engaged na!

'Search for the Star in a Million' runner-up Nikki Bacolod, engaged na!

- Si Nikki Bacolod na first runner-up ni Jerome Sala sa 'Search for the Star in a Million' ay engaged na

- Ito nga ang magandang balita na nasagap ng mga entertainment media sites

- Ang Kapamilya talent search runner-up ay masayang ibinahagi ang good news sa social media

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Engaged na nga ang dating Kapamilya singing talent search runner-up at aktres na si Nikki Bacolod sa kanyang fiancé na si Miguel Lopez.

Ito ay masayang ibinahagi ni Nikki sa kanyang Instagram, na naispatan ng KAMI.

Ayon pa sa balita ng entertainment.inquirer.net, ipinakilala ni Nikki ang kanyang soon-to-be hubby na nagpropose sa kanya sa 'The Blackbird' sa Nielsen Tower.

Bungad pa ng singer-aktres:

"So, here’s me and my, wait for it…….. FIANCÉ (woah!) at the historic Nielsen tower where the magic happened."

Nagpasalamat rin siya sa kanyang husband-to-be dahil sa "unconditional love" umano at sa pangunguna na magawa ang naturang proposal.

"Shoutout to my bf, i mean fiancé, for the unconditional love and for spearheading the ‘event’ together."

Sa huli ay nagpasalamat rin siya sa kanyang mga kapatid at mga kaibigan.

Bumuhos naman ang samu't saring pagbati sa malapit ng ikasal na si Nikki at nagkomento sa naturang IG post ng huli.

Si Monique Echieverri Bacólod o mas nakilala sa showbiz bilang si Nikki Bacolod ay tumatak sa mga manonood nang manalo ito bilang 1st runner sa 2005, 1st season ng ABS-CBN's 'Search for the Star in a Million.'

Naging Star Magic at Viva artist siya at nakapag-release uano ng dalawang album at nakilala rin sa mga Kapamilya teleserye, gaya ng Pangarap na Bituin, Dyosa, Habang May Buhay, Rosalka, at iba pa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel