"Boyet challenge", mariing pinatitigil ng isang organisasyon

"Boyet challenge", mariing pinatitigil ng isang organisasyon

- Nanawagan ang Autism Society of the Philippines na itigil na ang kumakalat na "Boyet challenge"

- Ang "Boyet challenge" ay hango sa karakter ng bida sa "My special Tatay" ng GMA 7

- Ayon sa organisasyon, ang naturang challenge ay isang uri ng diskriminasyon at simpleng pangungutya sa taong may autism

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinundina ng Autism Society of the Philippines (ASP) ang paggawa o pagsuporta sa kumakalat ngayon na "Boyet challenge."

Nalaman ng KAMI na hango ang challenge na ito sa karakter ng bida sa "My Special Tatay" na ginagampanan ni Ken Chan.

Ayon sa organisasyon, ang naturang organisasyon ay simpleng pangungutya at pagpapakita ng diskriminasyon sa taong may autism.

Paalala rin ng ASP na bagaman inakala ng iba na biro lamang o pampa-good vibes lamang ang challenge na ito, di pa rin maganda na ginagaya at tila niloloko ang sitwasyon ng isang autistic.

Nagsimula ang "Boyet challenge" noong nakaraang buwan lamang. Marahil nakuha ang ideya nito sa mga Facebook post ng bida sa soap opera kung saan ang karakter parin na "Boyet" ang pinakikita niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang video ng challenge na ito, lumalabas na ginawa talagang katatawanan ang pagkakaroon ng ganitong mental diability na labis na kinabahala ng ASP.

Kaya naman naglabas ong organisasyon ng kanilang official statement patungkol sa kontrobersiya nito at doon nila binuhos ang kanilang saloobin.

Binigyang diin din ng grupo ang Republic Act 9442 patungkol sa pagbabawal na gawing katawa tawa ang taong may autism.

At kahit wala pa mang batas, di pa rin daw umano nangangahulugan na lokohin ang kalagayan ng gaya ng kay "Boyet."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity

Source: Kami.com.ph

Related news
Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child

Woman earns backlash from the online community for hurting her own child

Neighbor's forcefully entered a woman's house who physically abuses her child
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel