Ama, hinataw ng palo ang anak na nagnakaw di umano ng cp at pera ng kapitbahay

Ama, hinataw ng palo ang anak na nagnakaw di umano ng cp at pera ng kapitbahay

- Viral ang video ng isang ama na pinagpapalo ng patpat ang anak

- Nagawa umano ito ng ama dahil daw nakapagnakaw ang bata ng cellphone at pera ng kanilang kapitbahay

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang video at ang ilan ay tila di natuwa sa "disiplina" na ginawa ng ama sa anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang video ng isang ama na pinaghahataw ang sariling anak na tinatayang nasa 5 hanggang 8 taong gulang lamang.

Ayon sa video na binahagi ng Top Viral, makikitang pinapalao ng ama ang ana gamit ang isang patpat.

Pumapalanggahaw sa iyak ang batang lalaki na hinahablot talaga ng sinasabing ama nito upang pagpapaluin.

"Rusell" daw ang pangalan ng ama na kaya raw nagawa ito ay dahil sa pagnanakaw di umano ng anak niya ng cellphone at pera ng kapitbahay nila.

Ayon sa nagpost, sinabi nilang pagsabihan na lang ang bata at huwag itong saktan ngunit nagawa pa rin niya ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi rin na si Russell pa umano ang may ganang magpa-barangay sa di umano'y ninakawan ng bata gayung siya naman ang nanakit sa sariling anak.

Laking pagtataka rin daw ng nag-post kumbakit napuntahan na ng DSWD ang anak ni Russell, ngunit nanatili pa rin itong kapiling ng ama.

Samantala, umani ng halu-halong reaksyon ang naturang post. Ang ilang netizens ay sumasang-ayon sa disiplina ng ama sa bata upang ito raw ay magtanda at di na umulit pa.

Ngunit karamihan ng netizens ang nagsasabing di dapt ito ginawa ni Russell at dapat na pinangaralan na lamang niya ito ng maayos.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Yung iba nanuod lang d man lang inawat at kinausap ang tatay ng mahimas-masan sa galit ng ginawa ng bata...sa sobrang galit minsan d n naiisip kung ano ang dapat gawin pero kung may mga taong concern sana may ginawa rin sila kahit papaano."
"Paluin man ng paluin ang bata ndi nya maiintindihan na mali ang kanyang ginawa ndi sinasabi ng ama kung bakit nya sinasaktan ang bata"
"Dpat jn.pinkukulong..wlang awa s bata kng paluin..hndi sya krapat dapt n mging ama..hndi mrunong dumisiplina ng ank..kdming nkkakita hndi nyo mnlng bnwal.bkit tkot kyo n pgblingan ng glit ng lalki..mga dwag.kwawa ung bata..nsasktan ako s npanuod k kc ina rin ako.kming mga ina ms mlki ang hrap nmin s mga ank nmin ksa s mga wlng kwentang tatay n kgya nyan..ipkulong dpat yn"
" Kung talagang bata ang kumuha,inamin na nyan dahil sa bugbug nyang natangap pero sabi ng bata wala daw.ibig sabihin di ang bata ang kumuha.kung ako pa ang nakatingin dyan.pina aresto ko na yan dahil walang piyansa yan.child abuse"
"Sobrang parusa naman yan hindi na makatao bakit hindi mo nlang kinausap ng maayos ok lang mamalo kong inaakala mong pagtutuwid huwag nanam sobra"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica