Masasamang epekto ng labis na pagbababad sa gadgets, walang pinipiling edad
- Nilahad ng isang opthalmologist ang iba't ibang maaring epekto ng labis na paggamit ng gadgets
- Wala raw itong pinipiling edad ngunit mas lalo raw dapat paalalahanan ang mga bata
- Nagbigay din ng ilang tips at payo ang opthalmologist kung paano malilimitahan ang paggamit ng gadgets lalo na sa mga bata na madalas nabababad sa mga ito kung walang patnubay ng magulang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagbigay babala ang isang opthalmologist sa mga maaring epekto ng labis na paggamit ng gadgets mapa-matanda man lalo na ang mga bata.
Sa panayam ng ABS-CBN news sa eye doctor na si Alvina Pauline Santiago, may ilang mga problema sa paningin ang maaring mangyari kung hihigit pa sa 3 oras ang paggamit gadgets lalo na ng mga bata.
Nalaman ng KAMI na maari raw itong maging sanhi ng pagkaduling, panlalabo ng mata o pagiging nearsighted kung saan makikita lamang ang mga bagay na malapit sa kanya.
Naglalabas daw kasi ang mga screen ng gadgets ng "blue-lights" na siyang magiging dahilan ng iba't ibang karamdaman sa mata kung labis na nakababad dito.
Paalala rin ni Dr. Santiago, ang pagpupuyat din dahil sa gadgets at nakadaragdag ng pagkapagod ng mata.
Maari ring magkaroon ng dry-eye syndrome ang labis na nakatutok sa gadgets. Nagdudulot din ito ng "accommodative spasm" kung saan pinipilit ng mata na linawin ang kanyang paningin na maari namang maging sanhi ng pananakit ng ulo.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Samantala, nagbigay din ang opthalmologist ng ilang mga tips sa wastong paggamit ng mga gadgets upang makaaiwas sa anumang karamdaman ng mga mata lalo na sa mga bata.
Sundin lamang daw ang "1-2-10" rule sa paggamit ng mga gadgets. Isang talampakang layo raw ang dapat sa paggamit ng cellphone, 2 talampakan naman ang layo kung gumagamit ng computer at 10 talampakan naman kung nanonood ng telebisyon.
Makatutulong din daw ang 'large font' o malaking letra ng gadgets upang di na mapagod pa ang mata sa pagbabasa.
Malaking bagay din daw ang disiplina ng magulang sa mga bata. Mainam na magulang ang nagtatago ng gadget ng bata at sa kwarto rin ng magulang dapat isinasagawa ang pagcha-charge sa mga gadgets.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!
Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel
Source: KAMI.com.gh