Dalaga, binihag at ginahasa sa loob ng 6 taon, nabuntis ng lalaki at anak nito

Dalaga, binihag at ginahasa sa loob ng 6 taon, nabuntis ng lalaki at anak nito

- Naging bihag ang isang dalaga sa China at ginahasa sa loob ng 6 na taon

- Nabuntis umano ang dalaga ng nangbihag sa kanya at ang anak nito

- Nadiagnose ang dalaga ng mental trauma at schizophrenia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang dalaga sa China ang nabalitang naging bihag sa bahay ng isang lalaki sa loob ng 6 na taon. Nalaman ng KAMI na nabuntis umano ang dalaga ng lalaking kumuha sa kanya, maging ang anak nitong lalaki.

Ayon sa ulat ng Yahoo! Philippines, nasa 60 anyos na ang lalaki na Deng ang apelyido. Subalit, hindi naman ibinigay ang edad ng kanyang anak na lalaki na ama umano ng kambal na halos 1 anyos. Naibalita rin na may anak na inaalagaan si Deng na 4 o 5 anyos.

Noong 2012 ay lumayas ang 14 anyos na dalaga, dahil daw ito sa pag-aaway nila ng kapatid niya na hindi siya binigyan ng pera para sa internet café. Subalit, hindi rin naman nireport ng pamilya na nawawala ito. Matagal na raw iniwan ng ama ang dalaga at ang nanay naman nito ay nakakulong mula pa noong 2011.

Dalaga, binihag at ginahasa sa loob ng 6 taon, nabuntis ng lalaki at anak nito

Photo from South China Morning Post
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman lang ng nanay na may apelyidong Li na nawawala ang kanyang anak nang makalabas ito sa kulungan noong 2016. Kaya naman, nagsimula nang maghanap ito at naglagay ng poster kung saan saan.

Nitong January daw habang naglalagay ng poster si Li sa isang residential area ay may isang dalaga na ngumiti sa kanya. Umpisa pa lang ay nalaman niya raw na anak na niya ito. Noong una ay ipinipilit ng dalaga na hindi niya kilala si Li. Hindi nagtagal ay tinawag na rin niyang “mum” si Li pero hindi siya pumayag sumama rito pauwi.

Dalaga, binihag at ginahasa sa loob ng 6 taon, nabuntis ng lalaki at anak nito

Photo from South China Morning Post
Source: Facebook

Tumawag na ng pulis si Li. Nang dumating sa pinagtutuluyan ng dalaga ay may nakitang tatlong bata ang pulisya.

Nadiagnose ang dalaga na may mental trauma at nagkaroon na rin ito ng schizophrenia. Kahit hindi naging klaro ang paglalathala ng mga pangyayari ay napagdesisyunan ni Li na ipakasal ang anak niya sa anak ni Deng.

“Considering my daughter already had three children, I decided to give in and marry her to the family, until she told me the father undressed her, too,” giit ni Li ayon sa balita ng South China Morning Post.

Nagsagawa ng DNA test at nalaman na ang panganay na anak ng dalaga ay anak ni Deng mismo. Kaya naman, kinasuhan na rin ito dahil sa panggagahasa. Dagdag din sa balita na naging bihag ang dalagaa hanggang sa nanganak ito sa kambal niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tabinging ngiti ng 3-anyos, senyales na pala ng brain tumor

Brain tumor ng isang 3-anyos, na-detect dahil sa 'di pantay na ngiti

Brain tumor ng isang 3-anyos, na-detect dahil sa 'di pantay na ngiti
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel