Pagluha ng dugo ng anak, sinisi ng ina sa sobrang paggamit ng gadget

Pagluha ng dugo ng anak, sinisi ng ina sa sobrang paggamit ng gadget

- Isang nanay ang sobrang nabahala dahil lumuha ng dugo ang kanyang musmos na anak

- Sinisi niya ang sarili dahil hinahayaan niya raw ang bata na maglaro ng gadget buong magdamag

- Natuklasan na ang anak niya ay may haemolacria, isang kundisyon na umaapekto sa mga pores ng mata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nabahala ang isang ina pagkatapos makita na lumuluha ng dugo ang kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na sinisisi ng ina ang sobrang paggamit ng bata ng cellphone kung kaya't lumuha ito ng dugo.

Sabi ng nanay na si Fitri Resita Dewi, nakakita raw siya ng isang news tungkol sa pagluha ng bata ng dugo na inakala niya fake news daw.

Pagluha ng dugo ng anak, sinisi ng ina sa sobrang paggamit ng gadget
Pagluha ng dugo ng anak, sinisi ng ina sa sobrang paggamit ng gadget (Photo: FB Fitri Resita Dewi)
Source: Facebook

Pero nang mangyari ito sa anak niya, dito niya napatotohanan na maaari ngang mangyari ito sa bata.

Sising-sisi siya dahil hinahayaan niya raw na maglaro ng gadget ang bata na sana di raw niya ginawa.

Pagluha ng dugo ng anak, sinisi ng ina sa sobrang paggamit ng gadget
Pagluha ng dugo ng anak, sinisi ng ina sa sobrang paggamit ng gadget (Photo: FB Fitri Resita Dewi)
Source: Facebook

Nang dinala niya sa ospital ang anak, natuklasang may kundisyon siyang tinatawag na haemolacria.

Ayon sa TheAsianParent, ang haemolacria ay nangyayari kung may membrane na humaharang sa pores ng mata.

Ito ang dahilan kung bakit siya lumuluha ng dugo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagamat hindi deretsang ang paggamit ng cellphone ang sanhi ng haemolacria, kailangan pa ring maging maingat ng mga magulang.

Kamakailan lang naiulat sa KAMI na isang bata ang malapit nang mabulag dahil sa kagagamit ng cellphone.

Nang mapatingnan sa ophthalmologist, nabigyan ng lunas ang kundisyon ng bata at umokay na rin ang kanyang mata.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)