Iza Calzado, humagulgol sa regalo ng kanyang inang yumao na ipinatago kay Sunshine Dizon hanggang ikasal ito

Iza Calzado, humagulgol sa regalo ng kanyang inang yumao na ipinatago kay Sunshine Dizon hanggang ikasal ito

- Kahapon ng December 19, 2018, ikinasal na ang isa sa mga orihinal na sanggres ng Encantadia sa GMA-7 na si Iza Calzado sa kanyang gwapong beau na si Ben Wintle

- Isang magarbong kasalan sa beach ang naganap sa Palawan at isa sa mga bisita ni Iza ay ang kanyang mga kapwa sanggres turned good friends

- Sa gitna ng kasiyahan ay ang pagbuhos ng luha ng magandang bride na si Iza nang ibigay ni Sunshine Dizon ang isang regalo na ipinatago ng yumaong ina ng Ngayon at Kailanman actress

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang nakakaantig sa puso na eksena sa kasal nina Iza Calzado at Ben Wintle na ginanap kahapon sa Palawan.

Ang naturang eksena ay nakuha sa video ni Dra. Vicki Belo, na isa sa mga espesyal na bisita sa kasal ng bride at groom.

Sa nasabing video ay makikita ang isa sa mga matalik na kaibigan ng Ngayon at Kailanman actress na si Kapuso actress Sunshine Dizon.

Makikita si Sunshine na may binabasa mula sa kanyang phone habang bitbit ang isang regalo na mula pa sa yumaong ina ni Iza Calzado na si Mary Ann Ussher.

Pagbasa pa ni Sunshine:

"I know it is something that you will really treasure forever. I love you very much."

Humagulgol ng iyak si Iza Calzado habang ibinigay ni Sunshine Dizon ang naturang regalo at nagyakapan ng mahigpit.

Ayon pa sa caption ni Vicki Belo, ang naturang regalo ay isang diamond bracelet na mula sa yumaong ina ni Iza Calzado na ipinatago kay Sunshine Dizon hanggang sa kasal nito.

"A very touching moment when @m_sunshinedizon gave @missizacalzado a diamond bracelet belonging to iza s mom (who passed away) for safekeeping til iza got married."

Panoorin ang video sa baba.

Una naming naispatan ang nakakaantig na eksena sa kasal ni Iza Calzado kay Ben Wintle sa cosmo.ph at GMA News Online.

Ibinahagi din namin kamakailan lang ang bonggang kasal ni Iza at Ben.

At isa sa mga bridesmaids ni Iza ay ang kaibigang si Sunshine Dizon.

Sina Iza Calzado at Sunshine Dizon ay magkaibigan pa noong mga bata pa sila, bago pa man ang Encantadia.

POPULAR: Read more news about Iza Calzado and Sunshine Dizon here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, we added a new video with our fellow Pinoys answering some tricky questions and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Janine Gutierrez reacts to Elmo Magalona-Janella Salvador past issue

Janine Gutierrez gives her honest thoughts about Janella Salvador-Elmo Magalona past issue

Janine Gutierrez reacts to Elmo Magalona-Janella Salvador past issue
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel