Tigas ng puso! Hapon, namulubi, iniwan ni misis at sumama sa mas batang lalake kahit may 4 silang anak

Tigas ng puso! Hapon, namulubi, iniwan ni misis at sumama sa mas batang lalake kahit may 4 silang anak

- Isang Hapon na namulubi ang dumulog kay Raffy Tulfo upang mahanap at makumbinse si misis na bumalik sa kanya

- Lumayas kasi si misis dahil pagod na raw siya at sumama sa isang lalake na anim na taong mas bata sa kanya

- May apat na silang anak at namumuhay ngayon ang mag-aama sa pamamagitan ng awa at tulong ng mga kapitbahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Hapon, si Hiroyuki Saito Tejima, ang dumulog sa tanggapan ni Tulfo dahil iniwan sila ng mga anak niya ng asawang Filipina at sumama sa mas batang lalake.

Nalaman ng KAMI na isinakripisyo ng Hapon ang buhay niya sa Japan upang mabuo ang pamilya nila ng misis na si Rodina Tejima.

Kaya lang, nawalan siya ng trabaho sa Pilipinas bilang staff sa Japanese embassy kung kaya't kinailangan nilang humingi ng pagkain sa mga kapitbahay.

Nang nakausap ni Tulfo si Rodina sa telepono, sinabi ng babae na kesyo binugbog daw siya at saka nahuli niyang may hinalikan si Hiroyuki sa kusina noong nag-imbita siya ng mga kaibigan.

Pero ayon naman sa Hapon, nakainom siya noon at di na maalala ang nagawa.

Sabi ni Tulfo, habang sila'y kasal, hindi puwedeng sumama si Rodina sa iba.

Kahit na ang anak nilang babae ay nagsumamo sa inang umuwi na sa kanila ng Papa niya, pero nagmatigas si Rodina.

Inabisuhan pa ni Tulfo si Rodina na sa ginagawa niyang pagsama sa ibang lalake ay puwede siyang makulong dahil kasal pa sila ng Hapon.

Nang magharap sina Rodina at Hiroyuki, kasama ang mga anak, umiyak ang mga bata at umapela sa ina na umuwi na.

Pero sabi niya, hindi niya gagawin ito. Sabi nga ng isa nilang anak, araw-araw ay dinarasal niya na umuwi na ang nanay nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman kay Rodina, dinarasal niya na sana balang araw maintindihan ng mga anak niya kung bakit niya ginawa iyon.

Nang pinapili ni Tulfo ang mga bata, sinabi nilang sa tatay nila sila sasama dahil siya ang nag-aalaga sa kanila. Dagdag ni Tulfo, papanigan niya ang mag-aama sa pagkakataong iyon.

Binigyan ni Tulfo ng P7,000 ang mag-aama para makakain dahil di pa nakapag-almusal at pananghalian ang mga bata.

Sana may trabaho nang mapasukan si Hiroyuki alang-alang sa kanilang mga anak. Di na kumontak pa si misis sa kanila pagkatapos i-ere sa Raffy Tulfo in Action ang kanilang problema.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel