Video ng cute na batang nagtatalumpati, umabot na sa mahigit 1.5 million views

Video ng cute na batang nagtatalumpati, umabot na sa mahigit 1.5 million views

- Agaw eksena ang isang batang lalaki na saulado ang talumpati sa mura niyang edad

- Halos nasa dalawang minutoang talumpati at wala ni isang pagkakamali ang ismarteng batang ito

- Umani ng papuri ang bata mula sa mga netizens at nawa raw ay maging mabuti itong mag-aaral at tiyak na malayo ang mararating nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng isang cute na cute na batang lalaki na nagtatalumpati. Bagaman at di pa ito napapangalan, kinatutuwaan ang batang ito sa angking talino nito sa pagmememorya.

Sa post ni Nash Usman Abduhadi Jr. may caption ang video ng "I so love this kid ang galing lang talaga". Marahil dahil sa galing ng bata na naisaulo niya ang kanyang talumpati patungkol sa karapatan niya bilang bata.

Sa halos 2 minuto na video, wala manlang mintis ang bata at talaga namang wala itong nakalimutang linya. Makikinig sa video na giliw na giliw ang mga audience sa bata.

Maging ang mga netizens ay mangha mangha sa galing at tatas ng pagsasalita ng bata. Sana raw ay pagbutihin pa ng bata sa kanyang pag-aaral dahil may angking talino naman daw ito na dapat lamang niyang pagyamanin at tiyak na malayo ang mararating nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Malakas boses. Future orator, TV, radio boses ito."
"Soon to be president.. dapat alagaan ng husto ang batang ito.. mahusay ang speech nya.. walang binabasa magaling ang utak nya.... Kailangan lang mai guide ng husto hangang paglaki para hindi malihis ng landas.. malaki ang potential nya na maging pinuno"
"Naka nakaka tuch naman yan batang yan..galing mo"
"You will be someday a President when you grow up. Just keep being smart and your parents should be proud. They raised a good and smart boy like you."
"galing naman sana pag lake ng apo ko maging kasing bibo nya rin."
"Wow galing mo boy bravo!"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Taong lumot" na naninirahan sa ilalim ng tulay, nangunguha umano ng buhay

"Taong lumot" na naninirahan sa ilalim ng tulay, nangunguha umano ng buhay

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel