Babaeng tinangka umanong gahasain sa tricycle, sinaksak matapos manlaban

Babaeng tinangka umanong gahasain sa tricycle, sinaksak matapos manlaban

-Nagtamo ng dalawang saksak sa tiyan at isa sa braso ang biktimang si Jenny

-Ang biktima, tinangka umanong gahasain ng isang tricycle driver at angkas niyo

-Dahil nanlaban, inundayan daw siya ng saksak ng isa sa suspek at tsaka siya iniwan sa isang madilim na lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May dalawang saksak sa tiyan at isa sa braso ang biktimang si Jenny. Ito'y matapos siyang tangkaing gahasain at siya ay nanlaban.

Ayon sa ulat ng GMA News, bandang alas-otso ng gabi nang sumakay ang biktima sa isang tricycle sa barangay Mauled, Dagupan City.

Maniningil lang sana siya ng utang noon.

Base sa imbestigasyon, may angkas ang driver at ito ay lumipat sa loob ng tricycle kung saan nakasakay si Jenny nang makarating na sila sa isang madilim na lugar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinutukan daw ang biktima ng patalim. Nang subukan umanong itaas ng suspek ang palda ng biktima, nanlaban umano ito at doon na ito inundayan ng saksak.

Nang may dumating na isa pang tricycle ay basta na lang umanong iniwan ang biktima doon.

Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan dahil lumabas sa inisyal na imbestigasyon na posibleng colorum ang tricycle na gamit ng mga ito.

Maaari din daw na nakursunadahan lamang ang biktima dahil wala namang tinangay na gamit mula dito.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang kaanak ng biktima para na rin sa kanilang kaligtasan. Samantalang patuloy pa rin ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga suspek.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party

Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party

Bongga! Bangs Garcia's Baby Amelia celebrates 1st birthday with a lovely Snow White party
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel