Misis, inabuso at niloko ng kanyang mister pagkatapos ng kanilang kasal

Misis, inabuso at niloko ng kanyang mister pagkatapos ng kanilang kasal

-Pagkatapos lamang ng 3 buwan ng kanilang kasal, nakatanggap ng pangaabuso ang isang ginang mula sa kanyang mister

-Bukod rito, nagawa pa siya nitong lokohin ng ilang beses sa loob pa mismo ng kanilang tahanan

-Ang masaklap pa, pagkatapos siyang mabuntis nito, inakusahan pa siya nito na hindi dito ang kanyang dinadala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na paghihirap ng kalooban ang naranasan ng isang ginang mula mismo sa kanyang asawa pagkatapos lamang ng 3 buwan mula ng sila ay ikasal.

Ayon sa kwento nito, nagkakilala sila sa isang dating site at pagkatapos ng 3 buwang pag-chat sa isa't-isa ay nagkasundong magkita ng personal.

Agad daw siyang humanga rito dahil na rin sa angking kabaitan nitong ipinakita sa kanya. maasikaso rin ito at kalmadong tao.

Bukod rito ay successful ito sa trabaho. Kung kaya naman nasabi daw niya sa sarili na ito na ang kanyang "the one".

Ikinasal sila ng 2 beses noong 2014. Sa loob daw ng 3 buwan ay naging masaya ang kanilang pagsasama.

Ngunit taong 2012 pa nang matanggal ito sa permanente nitong trabaho at mula noon ay palipat-lipat na ito ng papasukan.

Kung kaya naman siya na ang gumagastos at nagbabayad ng kanilang mga bills. Maging ang kanilang tahanan ay siya ang bumili.

Ngunit isang malaking pagbabago mula rito ang kanyang napansin, kwento nito, ilang beses umano nitong nabanggit na nais nitong bisiyahin ang Myanmar.

Kung kaya naman nagdesisyon siya na i-surprise ito sa kaarawan nito. Ngunit ilang araw bago ang kaarawan nito ay sinabi nitong ayaw nito ng anumang sorpresa sa kaarawan nito.

Kung kaya naman wala siyang nagawa kundi ang sabihin rito na nakapagpa-book na siya para sa kanilang biyahe sa Myanmar.

Laking gulat niya sa naging reaskyon nito. Nagalit ito sa kanya at inakusahang nagsasayang ng pera at hindi nirerespeto ang opinyon nito.

Nag nasa bakasyon na sila, madalas umanong malayo sa kanya ang asawa at palaging hawak ang cellphone nito.

Nagawa rin niyang magpakumbaba rito ngunit hindi naman nabago ang ikinikilos nito.

Madalas na rin daw silang mag-away at nang magkaroon siya ng byahe papuntang Pattaya dahil sa kanyang kompanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagtaka daw siya nang magpakita ito ng interes doon at tinanong pa siya kung kailan siya aalis. At nandoon na siya ay hindi na ito tumawag o sumagot sa kanya.

Dahil dito nagkaroon siya ng hinala na may nangyayaring hindi maganda kung kaya agad niyang tinignan ang dropbox nito at doon nakita niya ang litrato ng 1 babae.

Nang komprontahin niya ito ay itinanggi nito ang kanyang hinala at inakusahan pa siyang walang tiwala dito.

Naguluhan daw siya at naisip niyang maaaring tama ito kung kaya humingi siya ng sorry dito na hindi nito tinanggap at tinulak pang palayo.

Samantala, 1 liham ang nadiskubre niya na nagpaguho sa kanyang mundo.

"Why I am not happy with my wife Sharani Khamis".

Dahil dito na-depress siya at nawalan ng tiwala sa sarili. nagawa pa daw niyang humingi ng tawad sa asawa at tinignan lamang daw siya nito na parang kailangan niya talagang humingi ng tawad dito.

Hanggang sa isang video ang tuluyang nagpawasak sa kanya.

"I came across a video recorded by my husband with another woman in our marital home on our marital bed."

Doon niya na-realise na ang paninisi sa sarili ay hindi tama. Ang kasalanan at kakulangan sa kanilang relasyon ay hindi sa kanya.

Inabuso siya nito sa paraang emosyonal at pinaniwala na siya ang may kasalanan.

Ngunit isa palang biyaya ang darating sa kanya. Natuklasan niyang siya ay nagdadalang-tao pala. Hindi daw niya ito inaasahandahil nagkaroon siya ng cervical cancer noong 2013.

Misis na inabuso at niloko ng kanyang mister pagkatapos ng kanilang kasal

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

Sumailalim siya sa isang operasyon upang magtagumpay ang kanyang pagbubuntis.

Nang malaman umano ng kanyang mister ang kanyang pagbubuntis ay inakusahan pa siya nito na posibleng hindi dito ang bata.

Kung kaya lahat ng paghihirap ng kanyang pagbubuntis ay solo niyang binalikat. Nagawa pa daw nitong tanungin ang dokto kung kailan pwedeng magsagawa ng paternal DNA.

Pagkapanganak ay nagdesisyon na siyang hiwalayan ito.

Bilang isang single mom, mahirap na kailangan niyang solohin ang lahat lalo na sa aspetong pinansyal.

Ngunit emosyonal ay naging maligaya siya.

Payo niya, huwag basta tumahimik lalo na kapag alam mong nasa tama ka. "wag nang magtagal pa sa isang relasyon na toxic.

Source: The Asianparent

Misis na inabuso at niloko ng kanyang mister pagkatapos ng kanilang kasal

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful

Toni and Alex Gonzaga reveal motivation to be successful
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel