Babaeng nasa ospital sa pananakit ng ex-bf, sinundan pa rin at sinaksak muli ng suspek

Babaeng nasa ospital sa pananakit ng ex-bf, sinundan pa rin at sinaksak muli ng suspek

- Nasa ER na ng ospital ang isang babae na sinaktan umano ng kanyang dating nobyo nang masundan ito at sinaksak muli

- Nagtamo ng sugat sa leeg at sa ilang bahagi ng katawan ang babae ngunit nakaligtas pa rin ito

- Nakatakas ang suspek ngunit kalaunan ay sumuko din sa awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinugod agad sa ospital ang biktima na nakilalang si Kathleen May Rapiz matapos itong saktan umano ng kanyang dating karelasyon na si Aldrin Jay Pahinag.

Sa ulat ng GMA news, tila di pa nasiyahan sa pananakit na ginawa ang dating nobyo at sinundan pa si Kathleen sa ER ng ospital.

Doon pinagsasaksak pa rin si Kathleen, dahilan upang magtamo pa siya ng sugat sa leeg at ilang bahagi ng katawan.

Nakatakas agad ang suspek matapos magawa umano ang krimen. Nagsagawa ng follow -up operations ang mga pulis upang mahanap ang suspek na kalaunan ay sumuko na rin mosmo sa pulisya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa suspek, naitago niya sa isang brown envelope ang kutsilyo kaya naipasok niya ito sa ospital.

Inamin ni Aldrin ang krimen. Nagawa raw niya ito dahil sa di niya matanggap na iba na ang pakikitungo ni Kathleen sa kanya at pilit na rin silang pinaghihiwalay ng mga magulang ng babae.

"Nagsisisi po. Hindi ko naman po gustong gawin sa kaniya iyon," pahayag ng suspek.

Haharapin ni Aldrin ang kasong frustrated murder.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The topic of this episode is a day we are waiting for the whole months. Yes, I’m talking about the PayDay in the Philippines. Have you ever promised yourself to start making savings?

Philippines PayDay - Expectations vs Reality. True Story! | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure

Bumalik na alindog niya! Rufa Mae Quinto flaunts the return of her hour-glass figure
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel