Oo nga no? Manila city hall, korteng kabaong kaya raw nababalot ito ng kababalaghan
- Nagbahagi ng iba't ibang nakakatakot na karanasan ang mga empleyado ng Manila city hall
- Matagal na raw nababalot ng misteryo ang kababalaghang nagaganap dito
- Malaking bagay daw ang kasaysayan nito sa mga nakakikilabot na kaganapan dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
1941 pa nang itinayo ang Manila city hall at sa loob ng pitong dekada, naipon na rin ang mga kwentong kababalaghan sa lugar na ito.
Isa si Cristobal Hermosura sa mga pinakamatagal nang empleyado sa city hall ng Maynila at isa rin siya sa mga empleyadong may karanasan sa mga kababalaghang nangyari dito.
Ayon sa panayam sa kanya ng programang Kapuso mo Jessica Soho, 30 taon nang naninilbihan si Cristobal sa city hall. Maaga siyang pumapasok at madalas siya pa lang ang tao. Madalas siyang makarinig ng radyo na nakabukas kahit wala pang tao. Nilarawan oa nga ni Mang Cristobal ang Manila city hall na may pinakamaraming empleyado ngunit di lahat dito ay "buhay pa."
Isang insidente pa ay sa elevator ng munisipyo. Tinanong daw si mang Cristobal ng dalawang sumakay kung ilan ba silang sakay. Sagot naman niya na tatlo lamang ngunit giiit ng mga empleyado na nayroon pa silang kasabay.
Dahil dito, alam ni Mang Cristobal na may mga ispiritong gala nga sa lugar at minabuti na lamang niyang tawagin itong "friend." Kinakausap niya ito at pinakikiusapang huwag siyang tatakutin.
Si Evangeline Biscarra na Assessment clerk doon ay may kakaiba ring karanasan. 30 taon na rin siyang naninilbihan sa munisipyo. Di niya malilimutan nang mag-overtime sila isang November 1. Nagulat siya dahil wala talagang opisina noon ngunit may dalawang batang naghahabulan. Kitang kita niya ang mga ito na isang babae at isang lalaki.
Sa kwento namgn ng general foreman ng munisipyo na si Rowena Sibug, wala raw pinipiling oras ang nagpaparamdam dito. Katunayan, 12:30 ng tanghali nga noon nang makarinig sila ng kalampagan sa tore na may sira sirang hagdan. Imposible raw na may manakot sa kanila dahil agad nila itong makikita.
Sa isa pang karansan ni Rowena, inabot daw ng 24 oras ang taping na naganap doon. Paakyat siya noong ng elevator. Kusa na lamang daw ito nagbukas sa 4th floor kung saan nakita niya ang isang babaeng humahagulhol. Nagmadali raw siyang pindutin ang pangsara ng elevator. Pagdatng niya ng ground floor doon siya nagsisisisigaw.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ilan lamang ito sa mga salaysay ng empleyado sa lugar na iyon.
Ayon sa kasaysayan ng lugar, libingan pala ito noong panahon ng kastila. Kaya naman kalat na kalat noon ang balita ang pagiging hugis kabaong ng lugar.
Noong World war II ito raw ang pinakatinira noon ng mga Hapon, kaya n aman marami ang namatay rito.
Ang nakadagdag pa sa pangingilabot sa lugar na iyon ay ang mga larawan kung paano pinahirapan ng mga Hapon ang mga Pilipino noon.
Pinakamatinding maituturing na nakakikilabot na karanasan ay ang kay Rhodora Garcia na isang administrative aide IV doon. Sa mismong panayam kasi ng KMJS sa kanya ay ramdam niya ang mga espiritung gala na nasa likuran lamang daw niya.
Aminado naman si RHodora na aktibo ang kanyang third eye dahil sa mga nakikita niya na di nakikita ng mga ordinaryong tao. Sa pamamagitan ni Rhodora, nakausap mismo ng paranormal expert na si Ed Caluag ang kaluluwang bumabagabag dito. Ayon kay Ed, na-trap na ang kaluluwang ito sa gusali kaya di na ito makatawid sa kabilang buhay.
Masasabing malakas na raw ang "babaeng" nagpaparamdam dahil sa may kakayahan na raw itong pagalawin ang mga libro.
Nang gamitin na si Rhodora upang makausap ang "babaeng" ito, humihingi pala ito ng tulong. Hirap na hirap na raw ito. Nagahasa daw ang babaeng iyon na tinulungan na nilang makatawid sa kabilang buhay.
Isang sitwasyon pa ang nakunan sa cctv ng munisipyo kung saan ang sinasabi nilang mabigat na kahon ay bigla na lamang gumalaw. Imposible na may tumulak o may humila rito dahil tiyak na mahahagip ito ng cctv.
Sa kabila ng mga pangyayari, hinihikayat pa rin ng mga empleyado na huwag matakot at dumalaw pa rin sa kanilang opisina.
Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.
Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh