11 Pinoy celebs na ikinasal umano ng dalawang beses

11 Pinoy celebs na ikinasal umano ng dalawang beses

Heto raw ang kilalang labing-isang Pinoy celebrities na ikinasal diumano ng dalawang beses.

Sisilipin ng KAMI ngayong kung sinu-sino ang mga celebrities na ito na nag say ng "I do" sa pangalawang pagkakataon sa ibang lalaki o babae, at sa parehong lalaki o babae.

Ang iilan sa pinag-usapang celebrity couples noon man at ngayon, na tila nakahanap na ng kanilang meant to be dahil larawan sila ng isang happily married person, at kitang-kita naman ito sa kani-kanilang mga social media accounts..

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Solenn Heussaff

Ayon pa sa GMA News Online, unang ikinisal ang social media couple na sina Kapuso sar Solenn Heussaff at Argentinian businessman na si Nico Bolzico noong December 2015 sa isang civil wedding uman sa Argentina.

Bago pa sila ikinasal sa simbahan sa France noong May 2016.

2. Sharon Cuneta

Si Megastar Sharon Cuneta ay ikinasal umano kay Gabby Concepcion noong September 1984, 8 months raw pagkatapos ng debut ni Mega, ayon pa sa GMA News Online.

Noong April 1996 naman daw, ikinasal si Sharon kay Senator Francis Pangilinan sa isang private ceremony sa Makati City.

3. Vic Sotto

Ayon pa rin sa naunang balita ng source media outlet, ikinasal daw sina Dina at Vic Sotto noong 1982, at ito nga ay nagbunga ng dalawang anak, na sina Danica at Oyo pero naghiwalay umano sila noong 1986 pero na-annul ang kanilang kasala umano noong 1992.

4. Vilma Santos

Ikinasal umano si Vilma Santos kay Edu Manzano noong 1980 at naghiwalay diumano noong 1982, at nagkaroon sila ng anak, at ito ay si Luis Manzano.

Ayon naman sa Facebook page ng Baul Ni Juan, ikinasal ang Star for All Season kay Ralph Recto noong December 11, 1992, sa Lipa City Cathedral, at ang anak nila ay si Ryan Christian Santos Recto.

5. Ogie Alcasid

1995 nang unang kinasal si Ogie Alcasid sa dating Miss Universe Australia at former TV host at actress na si Michelle Van Eimeren at ayon pa sa ABS-CBN News, na-annul ang kanilang kasal noong 2007.

Nagkaroon sila ng dalawang anak at ito ay sina Leila at Sarah Alcasid.

At noong 2010, kinasal umano si Ogie kay Asia's Songbird Regine Velasquez at may isang anak na lalaki sila nakilala sa showbiz na si Nate.

6. Kristine Hermosa

Ayon pa sa source news outlet, ikinasal umano sina Kristine Hermosa noong 2004 pero na-annul daw noong 2009.

At noong 2011, kinasal siya sa kanyang "The One" at mayroon na silang apat na anak.

7. Robin Padilla

Una raw na ikinasal si Robin Padilla sa mommy ni Kylie Padilla na si Liezel Sicangco mula nooong 1996 hanggang 2007.

Mayroon silang apat na anak together.

Noong 2010, ikinasal ulit si Binoy at ito ay ang actress-host na si Marie Rodriguez at mayroon silang iang anak na sila Isabella.

8. Carmina Villaroel

Si Carmina Villaroel ay una umanong ikinasal sa then-actor Rustom Padilla, and now BB Gandanghari noong 1994.

Pero naghiwalay rin raw sila noong 1997.

At noong 2012, pagkatapos ng 14 years as partners, kinasal ulit si Carmina kay Zoren Legaspi, ayon na rin sa balita.

9. Vicki Belo

Una umanong ikinasal ang celebrity doctor na si Vicki Belo sa negosyante na si Atom Henares pero naghiwalay umano sila noong 1991 pagkatapos raw ng 11 years ng kanilang pagiging mag-asawa, at mayroon silang dalawang anak na sina Quark Henares at Cristalle Belo.

At noong 2017, ikinasal si Dr. Vicki Belo sa isang napaka enggrandeng kasalan sa simbahan sa Paris.

Pero noong una ay nag-civil wedding raw sila sa Manila bago ang bonggang kasalan sa City of Lights.

10. Patricia Javier

Mrs. Universe Philippines 2019 Patricia Javier ay ikinasal rin umano ng pangalawang beses pero sa parehong lalaki, ang kanyang mister na si Dr. Robert Walcher.

Nirenew umano nila Patricia at Dr. Rob ang kanilang kasal sa pagdiriwang ng kanilang 10th wedding anniversary, kamakailan lang, ayon sa balita ng ABS-CBN News.

11. Gladys Reyes

Sa selebrasyon ng kanilang 25th anniversary as a couple, 14 years bilang mag-asawa ni Christopher Roxas, nagrenew sila ng kanilang vows noong January, ngayong taon.

Naispatan namin ang balita sa GMA News Online, PEP, at ABS-CBN News.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid

Meet Ruru Madrid's lovely sister, Athenah 'Rere' Madrid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel