Mabuhay ang bagong kasal! Jade Lopez ikinasal na sa long-time boyfriend na si Roccky Siccion

Mabuhay ang bagong kasal! Jade Lopez ikinasal na sa long-time boyfriend na si Roccky Siccion

- Ikinasal na si Jade Lopez sa boyfriend ng 11 taon na sa Rocky Siccion

- Hands on si Jade sa preparation ng wedding na tumagal ng mahigit isa at kalahating taon

- Dumalo din sa kanilang kasal ang ilan sa mga kasamahan at kasabayan ni Jade sa Star Struck

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinasal ang StarStruck alumna na si Jade Lopezn sa long-time boyfriend na si Rocky Siccion nitong Lunes, October 22, sa Manila Cathedral .

Naging hands-on si Jade sa wedding planning na umabot ng mahigit isang taon at kalahati.

Ang goal ni Jade ay maging celebration ng kanilang 11 taong relationship ang kanilang pag-iisang dibdib.

Ilan sa kanyang mga kasamang Starstruck Batchmates na sina Cristine Reyes, Nadine Samonte, Yasmien Kurdi, at Stef Prescot ang nakarating sa kanyang kasal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagkakilala sila noong parehas silang nag-aaral sa San Beda College sa Manila.

"First year college ako, siya naman second year. It was during an examination week nung nakilala ko siya, nakatambay siya sa St. Maurs [an area in San Beda] together with a common friend," pagbabalik-tanaw ng aktres.

Ikinuwento din niya kung paano sila nagkakilala.

“Wala siyang idea na common friend pala namin, sabi niya sa friend ko noong nakita ako, 'Girlfriend ko siya, hindi lang niya alam. To his surprise, tinawag ako ng friend ko at pinakilala sa kanya. I was not interested at all sa kanya noon; after a year, dun pa lang kami talaga nakapag-date."

Binalikan din niya ang kanilang naging unang date.

”First date namin sa Home for the Aged na sinusuportahan ni Lola Belen, his late lola."

Naging mas mabuting tao daw siya dahil sa kabiyak.

“Ang humingi ng sorry because hindi ako expressive na tao. It was hard for me to express sincerely sa isang tao na nagsisi ako sa pagkakamali ko."

Nagpropose si Rocky sa kanya noong January 2017.

"Yearly kasi pumupunta kami sa Japan, it is our happy place. So, last January 2017, akala ko normal vacation lang.

"We went to Nigata Hotel and snow park. The whole day nag-skii and snow board lang kami. Around 5 p.m., bago kami bumalik hotel, sabi niya mag-drone shot daw kami.

At doon na nga nagpropose si Rocky.

"Kaya di ko namalayan na lumuhod na pala siya at may singsing na. Sobrang lamig kasi we were in the middle of the snow park 'tapos nag-start mag-snow.It was so magical. Pero pagtanggal ko ng gloves super duper lamig pala!"

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel