Mader Sitang, naluha habang namimigay ng pamasko sa mga bata sa isang party

Mader Sitang, naluha habang namimigay ng pamasko sa mga bata sa isang party

- Nagkaroon ng maagang Christmas party ang mga bata sa Brgy. Mariana in Quezon City na pinaunlakan ni Mader Sitang

- Namigay ng pamasko, regalo at pagkain ang mga bata

- Bukod sa pagiging internet sensation, nakilala rin si Mader Sitang sa kanyang mga naitulong sa biktima ng kalamidad sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumating na sa bansa ang internet sensation na si Mader Sitang noong Oktubre 19.

Isang araw matapos itong dumating sa Pilipinas, agad na itong namasyal at isa na rito ang Luneta Park kung saan naroon ang rebulto ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Nagbigay pugay naman ang Thai internet sensation at nang makakita ito ng isang bata, di siya nagdalawang isip na bigyan ito ng ₱500.

Ngayong araw, Oktubre 21 nagbigay ng early Christmas party si Mader Sitang sa mga bata sa Brgy. Mariana in Quezon City.

Sa isang video, makikitang namimigay ng tig-₱200 ang mga nakapilang bata at binibigayan din ang mga ito ng pagkain na mula sa Jollibee.

Kitang kita ang galak sa mukha ni mader Sitang habang isa isa ring hinahalikan at niyayakap ang mga bata.

Sa kalagitanaan ng kanyang pamimigay ng biyaya, napayakap si Mader Sitang sa kanyang kasama at naluha ito. Maaring dala ng matinding emosyon, napahinto si Mader Sitang at pansumandaling naiyak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala pang ilang minuto, balik na muli ito sa pamimigay ng pamasko sa mga bata.

Bagaman at nakilala si Mader Sitang sa kanyang mga agaw- eksenang dance videos, nakilala rin siya sa ating bansa bilang isa sa mga tumulong sa atin lalo na sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Likas talaga sa kanya ang pagiging matulungin at napalapit na rin talaga sa kanya ang mga Pilipino.

Isang transgender woman si Mader Sitang at abogado aaaang kanyang propesyon. Sumikat ang 59 anyos na internet star dahil sa mga "head throw" videos niya kasama ang mga kalalakihan sa kanyang background.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel