Lalaking nagkunwaring lumpo, bistado ang gimik sa panlilimos

Lalaking nagkunwaring lumpo, bistado ang gimik sa panlilimos

- Isang lalaki ang nagkukunwari lamang pala na lumpo

- Mayroong naglakas loob ipatanggal ang kanyang pantalon at doon nabisto ang kanyang modus

- Naalarma ang ilang netizen at ito raw ang dahilan bakit di sila basta nagbibigay sa mga nanlilimos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bistado ang isang lalaking nanlilimos at nagkukunwaring lumpo. Isang video ang nagpakita na maaring di lahat ng mga inaakala nating disabled ay disabled talaga.

Sa post na binahagi ni Social Daily, makikita kung paano itinago ng isang lalaki ang kanyang mga binti upang magmukha siyang lumpo.

Nakatali pala sa ang mga binti sa a hita na animo'y nakatiklop. Masasabing hirap din ito sa ganoong sitwasyon lalo pa at nakatago pa ito sa dalawang magkapatong na pantalon.

Sinasabing sa India raw kuha ang naturang video. Marahil kaya lamang daw ito nagawa ng lalaki ay dahil mahigpit na pinagbabawal doon ang pamamalimos mapwera na lamang kung ikaw ay may kapansanan.

Bagaman at di rito sa Pinas kuha ang video, nabahala naman ang ilan nating kapwa Pinoy kaya naman daw di talaga sila basta basta nagbibigay ng limos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe, makapanloko lang talaga at makahingi"

"try mo kaya magtrabaho boy, salot"

"Ibang klase, parang mapipilay ka lalo sa ginawa mo"

"Hala siya o, dito yan sa Pilipinas, kuyog yan!"

"Pwede naman po magtrabaho di ba?"

Sa kabilang banda, nakakawa rin naman daw ang lalaki dahil di rin biro ang pagkakatali ng kanyang mga binti na maaring maging dahilan nga ng anumang komplikasyon sa kanyang paglalakad.

Marahil, ibayong pag-iingat na lamang sa taong nais nating tulungan lalo na ngayon na naglipana ang mga nanlilimos, nanghihingi dahil sa nalalapit na naman ang kapaskuhan.

Sabi nila, sadyang mga singers ang mga Pinoy. Totoo nga ba?

Marahil, ibayong pag-iingat na lamang sa taong nais nating tulungan lalo na ngayon na naglipana ang mga nanlilimos, nanghihingi dahil sa nalalapit na naman ang kapaskuhan.

Sabi nila, sadyang mga singers ang mga Pinoy. Totoo nga ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? ️ Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel