Manonood na di tumayo sa "Lupang hinirang" sa ilang sinehan, timbog

Manonood na di tumayo sa "Lupang hinirang" sa ilang sinehan, timbog

- Umabot sa mahigit 30 na manonood ng sine ang nahuli ng puli sa di pagtayo sa pagkanta ng "Lupang Hinirang"

- Nahuli sa iba't ibang sinehan sa Lemery Batangas, Sta. Rosa at San Pablo sa Laguna ang 37 na manonood ng sine

- Nilabag nila umano ang Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa pag-aakalang simpleng bagay lamang ang di pagtayo habang kinakanta ang pambansang awit, huli ang nasa 37 na mga manonood ng sinehan dahil dito.

Nalaman ng KAMI na ilang araw na palang pinaalalahanan ng artoridad ang mga nanonood ng sine na tumayo sa tuwing kakantahin ang "Lupang Hinirang" sa mga sinehan.

Sa Lemery, batangas huli ang ilang mga manonood sa sinehan na di tumayo bilang paggalang sa pambansang awit ng bansa.

Ang ilan sa kanila ay kumakain na, sarap na sarap sa pagkakaupo at ang ilan ay nahulo pang nagyayakapan.

Ilan sa mga nahuli ay ang barangay chariman at asawa nito maging ang anak ng mayor.

Ayon sa pulisya, nilabag nila ang Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Maaring maparusahan ang mga nahuling ito sa pagmumulta ng 5,000 hanggang 20,000 o pagkakakulong ng isang taon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Magsilbi raw itong aral sa ating mga Pilipino na paglabag sa batas ang di pagbibigay galang o pagpupugay sa watawat at pambansang awit.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya

Nakakalaglag-panga! Bahay na luma, di na makikilala sa lupet ng bonggang transformation niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel