Hairdresser na naaksidente sa ferris wheel, may premonisyon sa panaginip

Hairdresser na naaksidente sa ferris wheel, may premonisyon sa panaginip

- Natalupan ng anit si Guyguy Salvador nang sumakay sa tinatawag na ngayon "monster ferris wheel"

- Sumabit ang buhok ni Guyguy sa bearing shaft ng ferris wheel na matuturing na isang matinding trahedya para sa isang lugar sana na ang isang tao ay nagsasaya

- Nagkaroon pala ng pangitain si Guyguy sa pagsakay ng ferris wheel sa pamamagitan ng isang panaginip

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nauwi sa isang masaklap na trahedya ang dapat ay isang kasiyahan sa perya sa Barobo, Surigao del Sur ng magkakaibigan nina Guyguy Salvador.

Nito lamang Hulyo 28, bandang alas siete ng gabi, aksidenteng sumabit sa bearing shaft ng sinakyang ferris wheel buhok ni Guyguy. Sinubukan pa raw nilang hilahin ang buhok ngunit sa tindi ng pagsabit, natalupan pa ng anit si Guyguy.

Maselan ang mismong video na makikitang binaba ng ferris wheel si Guyguy na animo ay isang eksena sa pelikula.

Nalaman ng KAMI na tila ba'y nagkaroon ng promonisyon si Guyguy sa aksidenteng nangyari sa kanya.

Kagagaling lamang daw niya sa isang raket at sa sobrang pagod ay nakatulog ito. Sa kanyang panaginip, inaya raw siya ng isang bata na sumakay sa ferris wheel. Nakakita rin daw siya ng malaking paru-paro sa kanyang panaginip na pilit niyang inalis at napatay pa raw niya ito.

Sa pag-aakalang wala lang ang panaginip, tumuloy pa rin sa perya si Guyguy. Nang makita niya ang kaibigang si Carl, nakita ni Guyguy ang parehong paru-parong nakita niya sa kanyang panaginip.

Babala: may ilang maseselang bahagi sa video na ito:

Pinaalis pa niya ito kay Carl at sinabing "malas" daw ito bagay na di pa pinaniwalaan ng kanyang kaibigan.

Hanggang sa nangyari na ang malagim na trahedya na tila bunga ng kanyang premonisyon.

Pagkababa nga raw sa kanya sa ng ferris wheel, inakala niyang katapusan na niya. Para daw may sumusundo na sa kanya sa kabilang buhay.

Kahit pa raw nang isakay na siya sa ambulansya, naroon pa rin ang mga "taong" sumusundo na raw sa kanya, ngunit tumatanggi talaga si Guyguy.

Sa ngayon, isang buwan nang nasa ospital si Guyguy na kinakailanganng siyang sumailalim sa tinatawag na skin grafting kung saan kukuha ng balat sa ibang bahagi ng kanyang katawan upang itapal sa anit.

Sa tingin mo ba maaari mong sagutin ang mga ito nang tama? Ang mga indibidwal na mula sa Pilipinas ay may mga sagot! Sino ang Neil Armstrong?

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan

Balik politics! Dating VP na si Jejomar Binay, tatakbo sa Kongreso sa darating na halalan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel