Inom pa more! Tatlong magkakaanak, patay matapos magpakalasing sa labanog ng 4 na raw

Inom pa more! Tatlong magkakaanak, patay matapos magpakalasing sa labanog ng 4 na raw

- Patay ang tatlong magkakamag-anak matapos magpakalango sa lambanog sa loob ng 4 na araw

- Sina Michelle Faustino, Roland, at ang kanilang tiyahin na si Sonia Graida ay nakaranas ng pagsusuka, pagdumi ng dugo, at binawian ng buhay sa ospital sa Laguna

- Ayon sa autopsy, lumalabas na labis ang naging pag-inom ng alak ng live-in partner habang ang tiyahin naman ay lason sa alak ang sanhi ng pagkamatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga kabataan ngayon ay itinuturing ang pag-inom ng alak bilang "walwal is life," o ang labis na pag-inom ay tunay nakapagbibigay ligaya. Ngunit, hindi lang hangover ang sinapit ng tatlong magkakaanak sa Luisiana, Laguna.

Nalaman ng KAMI na bukod sa hangover, nakaranas din ng pagtatae ng dugo sina Michelle Faustino, kinakasama nitong si Roland, at Sonia Graida, kanilang tiyahin.

Bukod sa pagdumi ng dugo, nagsuka rin ang tatlo, hanggang sa isugod na sila sa ospital at doon na binawian ng buhay.

Ang naging sanhi? Nagwalwal ang tatlo sa loob ng 4 na araw gamit ang kanilang pamatid-uhaw na lambanog. Kasama ang kanilang mga kaibigan, tumagay ang tatlo nang walang patid hanggang sa bumigay na rin ang kanilang mga katawan.

Sang-ayon sa imbestigasyong medikal, lumalabas na nagkaroon ng pagmamalabis ang tatlo sa pag-inom ng alak. Ang live-in partner na sina Michelle at Roland ay nasawi bunsod nito, habang ang tiyahin na si Sonia ay namatay dahil sa alcohol poisoning, o nalason sa ininom na alak.

Ipinasusuri na rin ng pulisya ang chemical content ng nasabing lambanog, habang pinaghahanap naman ang pinagbilhan ng nasabing lambanog.

Panoorin ang bahagi ng video report mula sa GMA News:

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

In this social experiment, you can see how different people react when a man throws a garbage bag right next to them. How will they handle the littering problem? Will, they pick it up or leave it? In this video, you can see all the effects of littering and how it's being handled by the locals. – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife

Ibang klase talaga! Albert Martinez, nagpapakabusy para maiwasang isipin ang lovelife
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel