Scammer loves walker daw! Xian Gaza, proud sa bago niyang girlfriend

Scammer loves walker daw! Xian Gaza, proud sa bago niyang girlfriend

- Pinakilala ni Xian Gaza ang bago niyang nobya

- Sa pamamagtan ng isang "emosyonal" na post, pinakita ni Xian kung gaano niya kamahal ang bagong nobya

-Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang kontrobersiya ni Xian Gaza dahil sa mga scam na kinasangkutan niya, muli na naman siyang gumagawa ng ingay dahil naman sa kanyang bagong nobya.

Sa pamamagitan ng mahaba-habang facebook post, pinakilala ni Xian ang magandang nobya na si Irish Tan.

Nalaman ng KAMI na marami na raw natatanggap si Xian na animo'y pambabatikos sa nobya niya na dati raw 'walker'. Kaya naman, sa pamamagitan ng post, pinagtanggol ni Xian ang babaeng siyang nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sinabi ni Xian na di na niya tinitingnan kung ano man ang nakaraan ni Irish, ay mahalaga raw ay ang ngayon at ang mga susunod na araw na sila ang magkasama.

Dahil sa ginawang ito ni Xian, masasabing proud siya sa kanyang bagong nobya. Natuwa naman ang ilang netizens na mas mabuti raw na mga ganoong klaseng post ang kanilang nakikita.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Yang post mo ung nagustuhan ko, inlab si nyeamlord"

"awww ang sweet, stay inlove"

" Inlababo ka nga! Yiiie"

"an mga ganyan dapat ang post hahaha."

"Best paragraph ever read so far.. nakakatouch and very well said.."

"I LOVE THE WHOLE Caption Sir.."

Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel