HS students sa Cotabato, enjoy sa exams nilang puro "hugot"
- Patok sa mga estudyante ng South Cotabato ang techer nila na sinasamahan ng mga hugot lines ang kanilang klase
- Nakilala ang math teacher na si "Teacher Petit" na exciting daw para sa mga estudyante dahil sa estratehiya niya sa pagtuturo
- Maging ang test paper ng kanyang estudyante ay puno di umano ng mga hugot kaya raw tuwang tuwa ang mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kilala si Roselyn Magbanua Mallo ng Santo Niño High School, South Cotabato bilang "Teacher Petit" na puno raw ng hugot.
Nalaman ng KAMI na tuwang tuwa ang kanyang mga estudyante dahil sa kakaibang stratehiya nito sa pagtuturo.
Agaw eksena ang mga test paper ni Teacher Petit na pusor Hugot lines ang instructions:
1. Write your answers clearly. As in malinaw. Hindi tulad ng feelings niya sa'yo. Magulo na, malabo pa.
2. Do not cheat o huwag mangopya. Huwag tumulad sa ex mong akala mo loyal, manloloko pala.
3. Kailangang tapusin ang exam sa loob ng isang oras. Dapat daw alam mo kung kailan ka susuko.Kapag tapos na, tapos na!
4. Matutong mapagod kapag sagad na sagad na. Maging tapat din sa pagsagot ng exam gaya ng ginawa mo kaya kayo nag-break. Pero ayos lang 'yan. Ang mahalaga, alam mong naging tapat ka.
5. Piliin lang ang best answer. Huwag daw magsayang ng oras at effort sa maling tao. Ang piliin mo, 'yung worth it.
Sa iba't ibang bahagi rin ng exam, nakuha paring bumanat ng mga hugot ni Teacher Petit.
"Kailan nga ba nagiging mali ang magmahal? Ito 'yung kapag alam mong ayaw na niya pero sige ka pa rin."
"Don't worry, lahat ng problema may solusyon. Kung minsan nga ang pinakamabisang solusyon ay acceptance. Oh ano? 'Yung totoo? Saan ka mas nahirapan sa exam? Sa math problems o sa pag-ungkat sa nakaraan mong pilit mong kinalilimutan?"
"Mahirap man daw sa umpisa, 'pag natutunan mong tanggapin ang mga bagay, Sa bandang huli, masasabi mo ring 'kaya ko naman pala."
Limang taon na raw na guro ng pampublikong paaralan si Teacher Petit. Kolehiyo pa lamang daw siya,mahilig na siyang gumawa ng mga hugot lines na noong panahon na raw nila na iyon ay wala pa naman tawag sa mga ganoong kataga.
Samantala, aprub naman sa kanyang mga estudyante ang mga nakakatuwang strategy ng kanilang Teacher Petit.
"Nakaka-inspire po siya tapos gaganahan ka pong sagutan 'yung test paper," ayon sa isa niyang estudyante.
Pero paalala ni Teacher Petit, huwag naman daw puro hugot dapat din daw may sagot.
Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
In this episode, you will find only the best questions, the best answers, and the best victims of HumanMeter team. Funny Tricky Questions Tagalog: Best moments | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh