Dating Host ng “It’s Showtime”, Eric “Eruption” Tai, magiging tatay na dahil sa IVF procedure

Dating Host ng “It’s Showtime”, Eric “Eruption” Tai, magiging tatay na dahil sa IVF procedure

-Host, Rugby player at aktor na si Eric “Eruption” Tai, at asawang si Rona Samson, nag-post sa kanilang social media account na sila ay magkaka-baby na dahil sa IVF procedure

-Nagpost ang dating host ng “It’s Showtime”, kamakailan ng video nila ng non-showbiz wife, sa kaniyang Instagram account kung saan ay ibinahagi nila ang saya dahil sa successful procedure na kanilang pinagdaanan

-Ibinahagi din ni Eric ang mga nangyari sa kanya matapos na mawala siya sa programang “It’s Showtime”

PAY ATTENTION: Click"See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng aktor, host at rugby player na si Eric “Eruption” Tai na siya ay magiging daddy na. Inamin din ng mag-asawa na sila ay dumaan sa In-Vitro Fertilization (IVF) procedure, at ibinahagi ang kanilang pinagdaanan ungkol dito sa pamamagitan ng social media. Ang IVF procedure ay isang paraang medikal kung saan ang bata ay mabubuo sa isang test tube.

Nag-post naman ang asawa nito, na si Rona Samson, sa Instagram ng video nila habang nasa hospital kung saan sila dumaan sa nasabing procedure.

Kasal si Eric sa kanyang non-showbiz wife na si Rona Samson mula pa noong 2015 sa Pilipinas at muling nagpakasal noong 2016.

Inamin ni Rona Samson, asawa ni Eruption na dati siyang fan nito, at ayon pa sa kanya ay nauna siyang gumawa ng move sa asawa.

Napasali ang mag-asawang Eric at Rona Tai sa Amazing Race season 5 at sila ay tinanghal na third place, para sa kanila ay big accomplishment na ito sa dami ng nais na sumali sa nasabing reality-show.

Sa iba pang balita ng KAMI, ang mga original hosts ng noon-time show na "It's Showtime", nagkaroon ng mini-reunion sa birthday celebration ng isa sa mga host ng programa na si Jhong Hilario.

How do Filipinos answer tricky questions? In this video, some filipinos tried to answer some funny but mind-boggling questions. Let's all watch this! -on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel