Nakakatindig balahibo! Isla sa Binangonan, may diumano'y kababalaghan na bumabalot
- Usap-usapan ngayon ang isang isla sa Binangonan sa Rizal dahil sa diumano'y kababalaghan na bumabalot dito
- Ayon pa sa mga residente, tinatawag nila itong "Pulong Diyablo," at may dahilan kung bakit ito ang pinangalanan ng mga taga rito
- Hanggang ngayon umano, tumatayo pa rind daw ang mga balahibo ng mga residente pag pinag-uusapan ang nasabing isla
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Trending nga ang kwentong ito ngayon sa social media na ibinahagi ng ABS-CBN News sa kanilang Facebook page.
Ang nasabing kwento ay isang episode sa Rated K ni Korina Sanchez na pinapalabas tuwing Linggo ng gabi sa Kapamilya network.
Unang bungad pa lang ng istorya ay ang kwentong ng isang ginang na taga doon sa lugar na sinasabi na hanggang ngayon daw ay tumatayo pa rin ang kanyang balahibo sa tuwing napag-uusapan ang kababalaghan sa isla na minsan na niyang naranasan.
Nakakita umano siya ng kapre sa kanilang lugar sa Balanon, ayon sa kwento na napag-alaman ng KAMI.
Isang araw ay lumabas daw siya at may nakita siya sa puno.
Ani niya:
"Nakita ko maitim, makintab, mataas. Katawan lang nakita ko, di ko nakita 'yong ulo. Pero 'yong binti niya mahahaba."
Dahil sa maraming nakaranas ng diumano'y kababalaghan sa isla ay tinawag na ito na "Pulong Diyablo."
Kahit hindi naman daw ganun ka lalim ang tubig sa may pampang ng isla ay marami pa rin daw ang nalulunod dito na pinapaniwalaan ng mga residente na gawa ng mga lamanlupa.
Sambit pa ng isa pang residente:
"Dito sa lugar na 'to maraming nalulunod, mga binatilyo, bata. Pero walang nalulunod na may asawa at matanda."
Dagdag pa niya:
"Parang kinukuha ng ano, ng engkanto kung iisipin."
Bukod pa daw sa kapre at mga engkanto, may ibang mga kuwento rin ang mga residente tungkol sa white lady at diyablo.
Pero para sa isa sa mga residente na nakatira na doon na mula pa noong 1950s, wala umano katotohanan ang mga sinasabing kababalaghan.
Ani niya:
"Kung nakakatakot dito, hindi kami tatagal dito."
Sang-ayon naman ang barangay chairman ng nasabing isla.
Ayaw na daw nila na mapangalanan o mabansagan ang isla na Diyable.
Sabi pa ng barangay chairman:
"Siyempre gusto ko naman mabago iyon. Pangit pakinggan 'yong diyablo. Dapat siguro baguhin."
Kamakailan lang nagsama-sama umano ang residente para magsagawa ng isang prayer vigil upang matigil na ang mga kababalaghan at nakapangingilabot na kwento ng kanilang lugar.
Did you miss our tricky questions? Check them out again in the video below and find out what questions you know, and get into the fun of our kababayans hilarious answers to these questions!
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh