Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin

Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin

- Viral ngayon ang larawan ng isang babae na iba ang lumabas na anino niya nang kunan siya ng larawan

- Karga ng netizen na si Arlaine Villosabri ang kanyang binisitang pamangkin ngunit kapansin pansin na iba ang anino nito

- Kinilabutan din ang mga netizens na nakakita ng nasabing post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang mga post ng netizen na si Arlaine Villosabri kung saan tila may kakaibang nakunan sa larawan na sana ay sila lamang ng kanyang pamangkin.

Nalaman ng KAMI na dinalaw lamang ni Arlaine ang pamangkin at kapatid niya sa bahay ng biyenan nito.

Kakatapos lang daw dumede ng pamangkin niya at siya na sana ang magpapa-dighay o 'burp' sa baby nang maisipan niyang magpakuha ng litrato.

Nakailang shots ang kapatid ni Arlaine sa mag-tita at nang tingnan na nila ang larawan, laking gulat na nila sa nakita.

Karga ni Arlaine ang pamangkin kaya naman nakatiklop ang mga braso nito, ngunit makikita sa larawan na ang anino niya bagaman payat din ay nakalaglag ang braso nito na parang wala namang buhat.

Mas lalong nakakapanindig balahibo ang mga sumunod na larawan dahil lalong naiba ang anino na animo'y nakasuot na ito ng mahabang damit at masyado nang nakabaluktot habang si Arlaine naman ay matikas pa rin.

Pinakita nila ito sa ilang kasama sa bahay nila nang araw na iyon at pinayuhan siya na huwag nang babalik sa bahay na iyon bago pa man kung ano ang mangyari sa kanya.

Samantala, nangilabot din sa takot ang ilang netizen na nakakita ng mga larawan. narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ala mare anu yan.... nakakakilabot nman yan"

"Kahit aq mare pag tinitingnan q ung anino.. hindi ikaw eh"

"Nku zel wag kna pumunta dun dhil nkktakot ..s anino mo hindi ikaw yan"

" oO nga kktkot ehhh"

" scary nga... pero pd rin anino yan ng nagpicture sayo.."

This awkward phone call leaves a bunch of strangers from the Philippines shocked and surprised. Are you interested to find out what the phone call is about? Awkward Phone Call Public Prank: The Funniest Reactions Ever | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya

Kalurkey! Nate Alcasid, natuklasan sa internet na kinasal ang daddy sa ninang Michelle niya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel