Bagong pamublikong guro, nagpatiwakal dahil sa depresyon dala ng napakaraming papel na hinihingi daw ng DepEd

Bagong pamublikong guro, nagpatiwakal dahil sa depresyon dala ng napakaraming papel na hinihingi daw ng DepEd

- Viral ngayon ang isang post tungkol sa paghingi ng hustisya sa isang guro na si Emylou Malate na nagpakamatay dala ng matinding depresyon

- Isang facebook page ang kamakailan binuo para kay Emylou na ang matinding rason daw ng pagkamatay ay ang sandamakmak na papel na hinihingi ng DepEd gayung di na halos sila makapagturo

- Bagong guro pa lamang daw si Emylou sa pampublikong paaralan at til di nito kinaya ang madalas na rush reports na madalas pinagagawa ng DepEd at di na ito makatarungan dahil nawawala na ang mismong dapat gampanan ng guro at ito ay ang pagtuturo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos kagagawa lamang ng facebook page para sa yumaong si Emylou Malate, isang bagong guro sa pampublikong paaralan na piniling kitilin ang sariling buhay dala ng matinding depresyon.

Nalaman ng KAMI na nagulat ang mga kasamahan at kapwa guro ni Emylou sa biglaan nitong pagkawala ngunit di raw sila nagtaka kumbakit nagawa ito ng guro.

Ayon sa isang post ng sa fb page na :Justice for Teacher Emylou, malaking rason daw ng pagbawi ng sariling buhay ng guro ay ang sandamakmak na mga 'paperworks' na hinihingi ng DepEd sa kanilang mga guro.

Puro report na lamang daw ang inaatupag ng mga guro na nawawalang saysay ang mismong adhikain nila at yun ay ang turuan at bugyan ng edukasyon ang mga bata.

Madalas ay 'rush' o dapat na agad na maipasa ang mga reports na hinihingi na siyang nakadadagdag pa ng stress sa mga guro.

Isa ring pagsubok ang ang humawak ng 'multigrade' na klase at maghanda ng mahigit na 20 lesson daw sa isang araw.

Dagdag pa rito ang mga pinuno ng paaralan na matinding pressure ang binibigay sa kanyang mga guro gayundin ang mga nakatatandang guro na wala ring ginawa kundi ipasa ang kanilang mga trabaho sa mga nakababata o mga bagong guro.

Marami pang nakakalungkot na mga pangyayari ang sinalaysay sa post na ito at lahat daw ito ay dapat maisaayos o kung hindi man ay dapat itigil na.

Huwag na daw nating hintayin pang isa o dalawa pang buhay ang muli pang mawala dahil sa labis labis na trabaho na hinihingi ng DepEd.

Samantala, ilang mga netizens, karamihan ay mga guro na labis na sumasang-ayon sa mga nabanggit at nakiramay din sa pagkamatay ng kapwa nila guro.

Sana raw ay dinggin ng DepEd ang mga hinaing nila.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

" I don't understand why this people laughing about this serious and sickening condition? God bless to them maybe they aren't educate as well."

"Ang Hirap pg Depression ang aataki sa IYO. Malaki pasasalamat ko kay LORD na ginagabayan nya ako lagi at binubulangan na nandiyan lang siya sa tabi ko. Kaya eto ako strong na lumalaban sa anuman pgsubok"

"Kaya ayaw ko n sa Teaching Career eh.. Kasi nasa school lahat ng HYPE bully."

"sad...condolence po sa family."

"That's the new system..more..more and more paperworks.."

It’s a picture of a bottle floating in the sea. But what is inside this bottle - two passionate lovers or just funny dolphins? Philippines What Do You See Challenge: What Do You See In a Bottle? | HumanMeter on KAMI youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica