Isang single mom, ibinunyag sa Facebook ang pag-iiscam umano sa kanya ng isang catering service sa Taguig
- Ibinahagi ng single mom na si Jeane Sapaula ang scam na ginawa sa kanya
- Nasa gitna ng init ang Chelio’s Catering dahil sa scam umano nito
- Nilahad ng single mom ang kanilang pag-uusap ni Renee Bernabe na may ari ng catering service sa Taguig
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Labis na galit at pagkabigo ang naramdaman ng isang single mom na si Jeane Sapaula dahil sa pag-iscam umano sa kanya ni Renee Bernabe ng Chelio’s Catering. Dahil dito, hindi naisatupad ang pinapangarap na masaya at hindi makakalimutang birthday party ni Sapaula na para sa kanyang anak. Tinangay umano ni Bernabe ang ibinayad na 40k ng biktima at hindi tumupad sa usapan.
Ayon sa Facebook post ni Sapaula, naghanap siya ng catering service sa Facebook na malapit lang sa kanila. Nahanap niya ang Chelio’s Catering at agad niya itong minessage. Binigyan siya ng magandang offer kaya at kinulit kaya niya tinanggap ito. Kinuha niya ang 40k package pero wala pang kasamang venue.
Dagdag pa ni Sapaula, nakita niyang mabait naman si Bernabe dahil sa madali itong makausap. Nakipagkita siya dito upang pumirma ng kontrata. Kasama sa kontrata ang hotdog foodcart, 2 layered cake, at veggies. May ipinakita din si Bernabe na mga dokumento kaya naman napanatag si Sapaula dito.
Inalok ni Renee Bernabe si Jeane Sapaula na kung babayarin umano nito agad ang 40k ng buo, libre na ang magiging venue ng birthday party sa Acacia estates. Tinanggap niya ito kahit may halong pagdududa na siya dito. Nagkaroon din ng food tasting ngunit nakailang reschedule bago ito natuloy.
Dumating ang kaarawan ng kanyang anak at doon na nanlumo at nagalit si Jeane. Wala ni isa sa kontrata ang nakita niya sa venue at hindi pa bayad ang venue pati na ang waiters, lights, at sound system. Hindi na din umano sumasagot sa tawag at text si Bernabe na kinagalit ng biktima.
Nagawang ipost ng biktima ang nangyari dahil gusto niyang matuto si Bernabe sa kanyang ginawa.
Nais mo bang malaman kung ano ang boses ng tao pagdating sa diborsyo? Pabor kaya ang mga Pinoy? Panoorin ang Divorce: to legalize or not? upang malaman. Dito lamang yan sa BeKami Youtube Channel.
Source: KAMI.com.gh