Wala na raw silbi! Dating OFW, pinalayas ng asawa at biyenan dahil wala nang maibigay na pera

Wala na raw silbi! Dating OFW, pinalayas ng asawa at biyenan dahil wala nang maibigay na pera

- Binahagi ni Nonilo Naingue ang masaklap na sinapit niya pagbalk niya sa Pilipinas

- Bagaman at nakapagbigay naman siya ng 80,000PHP sa asawa, tila kulang raw ito at gusto na lamang siyang pabalikin ng Jeddah para kumita pang muli ng mas malaking halaga

- Sinalubong nga si Nonilo ng kanyang pamilya ngunit nang malaman na wala di na muli siyang babalik ng Jeddah, pinalayas na lang ito ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng hirap at sakripisyo na pinagdaanan ni Nonilo Naingue bilang isang OFW, nagawa pa rin siyang palayasin ng kanya mismong asawa at biyenan.

Nalaman ng KAMI na dating tattoo artist si Nonilo sa Jeddah. Walang mintis siyang nagpapadala sa kanyang pamilya dito sa Pinas ng halagang 15,000PHP, tatlong beses pa sa isang buwan.

Sa kabila ng halagang ito, wala manlang daw naitago o naging ipon ang kanyang misis na si Jonalyn.

Wala na raw silbi! Dating OFW, pinalayas ng asawa at biyenan dahil wala nang maibigay na pera

source: supplied

Nang bumalik na si Nonilo sa Pilipinas, sinalubong naman siya ng kanyang pamilya ng halik at yakap. Noon ay may naiabot pa si Nonilo na halagang 80,000PHP sa kanyang misis ngunit nang nalaman nito na di na muling babalik si Nonilo sa Jeddah, walang ano ano'y pinalayas ito sa kanilang pamamahay.

Pati raw ang ina ni Jonalyn ay naki-ayuda o pumanig pa sa anak sa pagpapaalis sa mister nito.

Anila, kailangan daw bumalik muli ni Nonilo sa trabaho nito sa abroad upang kumita ng mas malaking halaga.

Tila nakulangan pa ang kanyang misis sa ilang taong pagtatrabaho ni Nonilo na noo'y maayos naman ang padala ngunit siya ang di nag-ipon. Balewala ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ni Nonilo para lamang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya kung saan kasama pa ang kanyang biyenan.

Wala na raw silbi! Dating OFW, pinalayas ng asawa at biyenan dahil wala nang maibigay na pera

source: supplied

Sa tulong ng ilang nagmalasakit na kapitbahay ni Nonilo, nakuha niya ang kanyang mga gamit. Tinulungan din siya ng kanilang barangay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng livelihood seminar upang makapagtayo na rin siya ng sarili niyang negosyo.

Nakakalungkot lamang isipin ni si Nonilo ay isa sa mga OFW na labis na nagpakahirap sa ibang bansa ngunit nauwi naman sa wala.

Nangyari ito dahil lamang sa mga taong nabulag sa pera at yaman.

Salamat na lamang sa mga taong handang tumulong lalo na sa kapwa nilang may mabuti namang kalooban.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel