Dating tagawalis lang sa parlor, may-ari na ngayon ng 55 na branches ng sarili niyang salon

Dating tagawalis lang sa parlor, may-ari na ngayon ng 55 na branches ng sarili niyang salon

- Walong taong gulang pa lang si Leo Revita, alam na niya sa sarili niya ang kanyang 'kasarian'

- Di naging madali para sa kanyang pamilya na tanggapin noon na isa siyang bakla na dumating pa sa punto na tinanggalan siya ng pambaon noong siya ay nasa high school

- Dala ng sipag at tiyaga, nakapagpundar si Leo ng sarili niyang negosyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bata pa lang si Leo Revita, ramdama na niya sa kanyang sarili na isa siyang pusong babae.

Nalaman ng KAMI na di naging madali kay Leo na lumadlad sa kanilang pamilya. Mula Tagum City, pinatapon siya ng Bohol para lamang pag-aralin mag-taekwondo sa pag-aakalang mas magiging lalaking lalaki na siya.

Ngunit wala paring pinagbago sa kanyang nararamdaman, sa kanyang pagkatao, alam niya kung ano talaga siya.

Dahil sa di maisakatuparan ng kanyang mga magulang na tutulan ang kanyang pagiging pusong babae, nagawa ng mga ito na hindi siya bigyan ng baon.

Para magkaroon ng sarili niyang pera, tumanggap siya noon ng mga typing jobs at nagbenta rin siya ng sigarilyo. Kwento ni Leo, kumita rin siya ng 130PHP sa isang araw.

Di lang iyon, nag-sideline rin siya sa parlor bilang taga-walis, taga-laba ng tuwalya at pinananatili niyang malinis ito. Kasabay din nito ang pagsali sali niya sa mga beauty contest.

Sa tindi ng kanyang pagsusumikap, nagawa niyang pag-aralin ang kanyang sarili at makatapos ng BS Secondary Education. Nang siya ay nakatapos, noon niya naisipang magtayo ng sarili niyang salon.

Marahil dahil narin sa namuhunan siya ng kasipagan at sakripisyo, lumago ang kanyang negosyo at isa na ito sa mga kilalang establisimyento sa Tagum City.

Umabot na sa 55 branches ang kanyang salon sa buong bansa.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa Youtube:

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do? Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Palasyo, may mas ‘matitinding problema’ pa raw bukod sa gusto ni Tito Sotto palitan sa Lupang Hinirang

Palasyo, may mas ‘matitinding problema’ pa raw bukod sa gusto ni Tito Sotto palitan sa Lupang Hinirang

Palasyo, may mas ‘matitinding problema’ pa raw bukod sa gusto ni Tito Sotto palitan sa Lupang Hinirang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel