Dating kinasusuklamang 'kabit', nakabangon at nakatagpo ng lalaking di niya inaasahan magiging kanya

Dating kinasusuklamang 'kabit', nakabangon at nakatagpo ng lalaking di niya inaasahan magiging kanya

- Isang dating 'mistress' ang nagbahagi ng kanyang kwento sa KAMI kung paano naging miserable ang buhay niya dahil sa maling sitwasyong pinasok niya

- Noong una ay maayos ang lahat ngunit iniwan rin siya ng lalaking minsang nangko sa kanya na handang iwan ang lahat para sa kanya

- Sa di inaasahang pagkakataon, nahanap ng dating kabit ang kanyang sarili, nakabangon at natagpuan ang lalaking matatawag niyang kanya talaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayroon tayong kanya- kanyang kwento tungkol sa pag-ibig. Minsan pa, sa di inaasahang pagkakataon, maski maling pag-ibig ay napapasok natin.

Gaya na lamang ng kwento ng dating naging 'kabit' na buong tapang na binahagi ang kwento niya sa KAMI.

Alam niyang kailanman ay di magiging tama ang relasyong pinasok niya ngunit dahil nabulag siya sa inaakala niyang tunay na pagmamahal, di siya basta nakawala.

Hanggang sa dumating ang punto kung saan nalaman na ng mga tao at talagang kinasuklaman siya dahil may pamilya na ang lalaking minahal niya.

Sa kasamaang palad, di rin siya kayang panindigan at pangatawan ng lalaking ito kay nauwi ang lahat sa wala.

Narito ang buong salasay ng dating 'kabit' o 'mistress' na ngayon naman ay nakatagpo na ng lalaking para na raw talaga sa kanya.

Dating kinasusuklamang kabit, nakabangon at nakatagpo ng lalaking di niya inaasahan magiging kanya

source: supplied

HIDE MY IDENTITY

Hi, i would like to share my life story but asking you a very big favour to please hide my identity.

Sana kapulutan po ito ng aral.

“I was once a MISTRESS”

Nakakahiya mang aminin pero oo naging KABIT ako!

I am living abroad, working in an international multi-million company with a high position.

Wala akong tinapos sa Pinas as i was a rebel back in my younger days but God has been so good to me to give me the opportunity and give me a “dream come true” job.

Nagsimula ako sa pinaka mababa and worked myself up, I have been so busy with my life.

Aral, trabaho at bahay ang naging buhay ko.

I am a bread winner in my family. Sumosuporta sa magulang, nagpapaaral ng mga kapatid, takbuhan ng mga tiyahin/tiyuhin/pinsan. My life was focused sa trabaho, pamilya at sarili ko. I spoilt myself with material things to cover up the loneliness na mag isa ako at malayo. I am only 30 years old but i felt so old with how i am living my life.

Until i meet Jay on facebook, we have one common friend na naging daan para magkakilala kami, it all started with one simple Hello!

We talked day and night, we share things about life and the next thing we knew mahal na namin ang isa’t isa. It happened very quick, ambilis kung nainlove which i think is normal dahil tao lang ako... ang tanging mali lang ay may asawa’t anak sya at alam kong mali pero sinege ko pa rin.

He gave me all of his time, he worked away from his family kaya we can video call everyday and whenever i want to. I spoilt him with things, ipinakilala ko pa sa pamilya ko... they accepted him without any hesitation dahil talagang mabait at malambing sya. Ang hindi nila alam ay may asawa at anak ang boyfriend ko. Everything seems normal between us, hindi kami nag aaway... we love each other dearly. We even have plans for the future, na magsasama kami, magkakaanak. He promised me na iiwan nya ang pamilya nya para sakin, and i was the meanest evil bit** dahil talagang hinintay ko ang araw na yun. I even pushed it harder dahil gusto ko akin lang sya. Umuwi ako para magbakasyon and we spent the whole time together.

Pero sinubok kami

Ng pagkakataon, nalaman ng buong pamilya at asawa nya ang tungkol sa amin, nagkagulo...

I am well respected by my family and staff/ work colleagues at wala pang taong hinayaan kung murahin ako ng harapan. But that time tinanggap ko lahat ng mura, galit, masasakit na salita galing sa mga kapatid at asawa nya dahil alam kong mali ako. Na mali kami. Pinapili sya Ako or ang asawa at anak nya kasama ang buong pamilya(nanay at mga kapatid). He chose them, at sinabihan akong he still needs time to settle things, na kailangan kong maghintay without demanding.

Dating kinasusuklamang kabit, nakabangon at nakatagpo ng lalaking di niya inaasahan magiging kanya

source: supplied

I was shocked, nasaan na ang mga pangako nya? Nasaan na ang “ikaw ang pipiliin ko pagnagkataon?” , nasaan ang

“ikaw ang mahal ko at hindi ko kayang mawala ka”?

That very time, reality hits me. It is the end of US!

I was so down but nowhere to run, wala akong kaibigan or pamilya na nakakaalam

Ng totoong sitwasyon ko,na Kerida ako ng boyfriend ko... ng lalaking minahal ko. I have to keep everything to myself, ang sakit at kahihiyan.

I was lost, shattered, broken... and ALONE.

Then I remembered when was the last time na kinausap ko ang Diyos? It’s been awhile dahil kahit sa DIYOS nahihiya ako sa pagkakasalang ginawa ko.

So i opened my heart to God, i prayed so hard and asked for forgiveness sa naging kasalanan ko, sa mga taong nasaktan ko, sa pamilyang sinira ko, sa tiwalang winasak ko.

I asked for God’s guidance na ibalik ako sa tamang landas, to give me strength and heal me.

I lived like a robot for weeks, ni hindi ako makakain, walang tulog, my work was affected...

It feels like i am living dahil kailangan ako ng pamilya ko.

I need to keep going dahil marami ang umaasa sa akin.

I was broken hearted but most of all hiyang hiya ako sa sarili ko.

I am not the prettiest face pero marami akong manliligaw, pero nagpakatanga ako

Mismong sarili ko ay hindi ko kayang patawarin when i realised what i have done.

I was in the middle of moving on from him when he contacted me again, sabi nya he is very close na makipag legal seperation sa asawa nya.

Pero hindi ko na hinayaang ipatuloy ang bawal na relasyon namin, hindi ko na binigyan ng pagkakataong maulit ang kasalanang nagawa ko. So i blocked him in my facebook account and then I changed my number. Ayokong ipagpatuloy ang bagay na mali sa mata ng tao at ng diyos, ayokong habang buhay akong uusigin ng aking konsensya. I don’t want to wake up one day realising na kahit sa sarili ko wala na akong respito.

I can be many things but I can’t be a home wrecker, dahil galing ako sa isang buong pamilya and everyone deserves to have that. To have a whole family, hindi man masaya sa lahat ng pagkakataon as life comes with challenges pero basta sama sama kayo, kahit anong problema kaya nyong malampasan.

I am really glad na nagbalik loob ako sa Diyos, He opened my eyes again and show me the right path, the proper way to live life. Ang buhay na hindi ikinikahiya sa mata ng tao or kahit kanino, ang buhay na wala kang inaapakang tao. Then one day i meet Russ, a white guy, a bachelor, never been married, no kids. He is living from the next city kung saan ako nakatira, he courted me... and again i fell in love very quickly pero this time i am proud to say “I FOUND SOMEONE I CAN CALL MY OWN”. We’re about the same age, his family loves me and he loves me more than i love him.

And again i prayed really hard, with a grateful heart. Thanking GOD for giving me another chance to be happy, giving me what i deserve, a normal life.

I don’t judge people as we all have different stories, pero sana maging inspirasyon ang kwento ko para sa mga taong umiibig sa maling pagkakataon,sa maling tao.

We only live once, kung ano ang ngayon ay hindi mo na maibabalik pa bukas. Oo masarap magmahal pero pinakamasarap at masaya ang magmahal ng walang kahati.

If you feel like you’re life is in darkness,God never leave your side you just need to seek him and let him walk into your life again.

Thank you for reading my story.

Please share to inspire others, and let’s hope na sa maikling kwentong ito ng buhay ko ay may mga buhay ding mababago.

Imagine you’re sitting in the park, relaxing and enjoying your day, when a young couple comes to you. They look like they are in love. The guy gives you his cell phone, asking to take the call and tell his wife he is at the meeting. You understand that he is cheating on her. What will you do?

Philippines Social Experiment: Who Will Help You Cheat On Your Wife? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT

Maling desisyon! Baby, binawian ng buhay dahil pinili ng magulang huwag pabakunahan ng DPT
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel